Blog

URL
http://www.alyannajean8.blogspot.com
http://www.alyannajean8.tk

OWNER
alyanna jean m . maliwanag
[ see creator section for more info ]

LAYOUT
LOVEBURN.

Best Viewed in 800x600 reso

LO by alyanna
coded by alyanna

AGE
TWO YEARS OLD and some effin months.

RULES
RESPECT RESPECT RESPECT


Author



ALYANNA JEAN MALIWANAG

girl . 013192 . 16 . teen . incoming college freshman . teentalker . UNLITXTer . camBITCH . Industrial Engineer . YFC

<3s
GOD . family . friends . music . rock . pop . asians . texting . writing . photography . 17teen

Xs
backstabbers . plastic . being alone . insensitive people . reading . EVIL

FUTURE
engineer . busniesswoman . celebrity .

The greatest rewards come from doing the things you fear of.

CAUGHT IN ACT


SPOOF.
Archives

PREVIOUS
Just checking if this still works..
BELATED HAPPY THREE YEARS!
LOVE SONG TEST
HANDWRITING ANALYSIS
VALUE
AN ACTIVE MEMBER
PLAYING WITH TED HANA
BACK ON TRACK
RETREAT '08
MERRY CHRISTMAS!

MONTHS
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
December 2007
January 2008
April 2008
July 2008
September 2010
Current Posts



Links

[x]alyssa
[x]arnel
[x]aya-chan
[x]bianca
[x]bulitas
[x]camila
[x]christian
[x]composed gentleman
[x]deyja
[x]eunice
[x]icarus
[x]jhana
[x]kim
[x]luki
[x]mikmik
[x]moshi
[x]niknok
[x]onang
[x]ramona
[x]padre salvi
[x]paeng
[x]via



Tagboard




Credits

[x]cbox
[x]html goodies
[x]blogger
[x]kumant
[x]dot.tk
[x]camila
[x]haloscan
[x]dafont
[x]imeem

Accounts
FRIENDSTER
anna_o8_ly@yahoo.com
yanna_maliwanag_131@yahoo.com

YAHOO
yanna_maliwanag_131@yahoo.com

Y! MESSENGER
aljemama11

TEENTALK
y4nn4
thread

MULTIPLY
br0ken33

Button




Honor



â?¢ 1st place on week 30

> 4th place for week 31.


2nd place for week 32.



Hall of famer na ako. (:

know more v.(".)
Pls keep supporting the FBOTW of Mr. Talksmart. (:

I WON. ;)

Monday, April 30, 2007

A NEW ME
Just this weekend, I have already attended a youth camp. At long last, after 1 000 000 years, I'm already a part of CFC Youth For Christ.

Before the weekend, I had a very black Thursday. When evening came, everything was not in favor me. I had an emotional breakdown (in other words, umiyak ako. :) ). I just felt so bad because I had three wicked problems and ang bigat na talaga ng feeling ko that's why I can't help but cry. I was about to share it to my bestfriend but then it turned out that he would be sleeping already. And that made me cry more. Err. I just miss him and our late phone conversation. What made me miss him more is that he was not able to be there that time when I needed him. That made me more cry. Di ko na kasi nakayanan eh. But then, a friendly friend named RENN MIGUEL was there to listen to my hagulgol. Haha. And I want to thank him for that. And likewise, MICHAEL JOFF because he was there to read my text messages. Kahit na nalowbatt din siya. Thanks HONEY DEAR. :)

I would like to share you one of the three wicked problems that I had. It was about the youth camp thing. Err. Akala ko kasi Friday siya mag-uumpisa (it usually starts Friday night right?) eh ihahatid namin yung favorite tito ko sa airport (probably I would post an entry about this tomorrow. :) or whenever. ^^. ). And mom was reasoning about the fee. Ako naman, wala na namang magawa. So nagemotional break down na naman ako. Haha.

TRIVIA : I always cry whenever there is a youth camp tapos di ako makakasama. ^_^
Kasi naman diba? Lalagpas na naman ang isang youth camp sa harap ko. And that's really bad for me. Alam niyo kung gaano ko kagusto sumali sa YFC. But then, I passed by our round table where the form was placed. I read it again and I was wrong. Hindi pala April 27 ang start. April 28. So nabuhayan ako ng loob and that made my feeling lighter.

Friday came and as expected, we went to the airport. After the airport, we wento RJ FM's station ( if ever you knwo this, err. malamang sa mga tatay at nanay niyo ito nalaman.) Nagkadinner with the RJ DJs and after several hours we went home. I signed up the Youth Camp form expecting that my mom would finally agree in sending me to it. (sabi kasi nila the last time diba kahit sa Boracay pa papayagan nila ako. See my Nasug-Boo post. ^_^ ) My dad naman kasi, is always payag (so conyo. ^^) Ayun. Before I slept, I was still reminding them to alow me to join to the youth camp. Actually, I already packed my clothes para if ever late na nila ako payagan, ligo na lang ako and go na!

Before I tried to sleep (tak note: tried! insomiac ako eh. -.-) I prayed and prayed and prayed to God na sana makapunta na ako. I guess I really need it. Di nga ako makatulog eh. Nagigisng ako tapos mga before 6, nagising na talaga ako tapos di na makatulog. So humiga ako sa kama nila mama, nakatulala and nagpaparamdam na "Ma, ngayon na yung youth camp, payagan niyo na akoo .. " Haha. I promise. I looked foolish but I didn't care. I WANTED TO JOIN THE CAMP. My dad nticed me and allowed me to. Wala na din namang nagawa si Mama. Sabi ni daddy, ipack ko na yung things ko and i just shouted, "Nakahanda na po!" So ayun nga. Pinasasalmatan ko si Kuya Zar na nagsabay sa akin papunta sa place. Kahit na late ako. At least, kanta lang at orientation ata ang hindi ko naabutan. Alam ko na naman yung songs (since nga may YFC na school. -.- and nagaattend ako ng worships) kaya ok lang. At least nakumpleto ko lahat ng talk. Yun naman ang importante dun diba? ATA. >.< And ayun nga. Sobrang saya ko lang at nakasama na ako sa isang Youth Camp. Di ko na ikukuwento sa inyo ang mga kaganapan kasi malay niyo, kayo naman sa susunod. Hihi. :)

Siguro yung mga Setonians na makakabasa nito (if ever meron man) nagtataka kung bakit hindi na lang ako naghintay ng pang HS Based na camp (Comm Based po kasi ata yung nattendan ko. ^_^) Bakit nga ba? Una kasi, pagkatapos ng dyip incident sa akin, narealize ko na anytime, pedengmamatay na ako. So ginrab ko na ang oppurtunity na makasama sa camp. Kasi gusto ko talaga magYFC. Pangalawa, baka kasi sa susunod na camp sa Seton, eh may lakad na naman kami. Pangatlo, gusto kong ptaunayan na hindi ako sumali sa YFC para lang sa friends ko.(gusto ko iprove sa parents ko. ^_^) Sabi kasi nila, dahil lang daw sa barkada. Edi sama sa isang camp na wala masyadong kaclose at kakilala. Gusto ko lang talaga kasi magserve kay Lord. At isa pa, gusto kong tulungan ang sarili ko na maging kumpleto. This passed few days kasi, masyado na akong nalulungkot and I always pray at night na sana, makita ko na ang true happiness. Alam ko kasing ang kulang sa buhay ko ay si Lord. Siguro nga, hindi ko pa siya masyadong nailalagay sa center ng life ko. At alam kong isang paraan ang youth camp para makilala ko pa siya ng mabuti. Hindi ko naman sinasabing masayang masaya na ako ngayon. Siyempre andun pa rin ung kalungkutan. Pero masasabi ko talagang MAS MASAYA na ako. Medyo naiintindihan ko na ang mga tao sa paligid ko. Pero di ko maiwasan na sa umpisa ng mga talks maisip na "siguro mas masaya ito kung kasama ko mga classmates bla blah blah .. " But then, after the camp, napapaisip na ako kung lilipat pa ako sa HS. haha. :)) Feeling ko, mas magiging mabuting anak na din ako. Haha. Masaya naman ako at madami akong nagain na friends. Hehehe.

Ayun. Gusto ko lang ishare na better na si ALYANNA. Mas masaya na ako. haha.

May God be praised. :) ( Yan nga ba yung sinasabi nila after magsalita? haha. ^_^)

Labels: , , , , , , ,

| LEFT AT 5:15 AM

Tuesday, April 24, 2007

TRAUMATIZED
Dati, sa tv ko lang ito nakikita. Minsan nga, hindi ako makapaniwala na may mga taong natatakot sa mga simpleng bagay dahil lang natrauma sila. Pero ngayon, naniniwala na ako.

Pagkatapos ng aking summer class, nagtungo akong SM Bacoor para kumain sa KFC. Nagmamadali pa nga ako dahil magaalas-onse na. Kailangan ko pa kasing dumaan sa eskwelahan namin para ineroll ang kapatid ko. Dahil kapos ako sa pera, at nagmamadali, sumakay na ako sa isang jeep na pumara doon sa sakayan.

Kapag nga naman minamalas ka, mukhang tatanga-tanga pa yung drayber. Nung una, napakatanga pumreno. Sabi pa nga nung isang pasahero "Manong, paki ayus-ayusan nga yang pagmamaneho niyo". Ako naman na hindi close kay manong drayber, nanahimik na lang. Kahit inis na inis din ako sa pagmamaneho niya. Pagkatapos eh meron namang isa motorsiklo na bumangga din doon sa dyip. Pagkatapos nga noon eh nagdadasal na ako na sana naman, walang magyaring masama. Kawawa naman yung motorskilo dahil kung sakaling may paaprating na sasakyan galing sa kabilang lane, o kung saan man, patay siya.

Parating na ako sa babaan ko kaya sumigaw na ako ng "Sa tabi lang po". Hinintay ko namang huminto ito at tiyaka ako tumayo. Pero napakagago ata talaga ng putanginang drayber na yun at umandar siya eh bumababa ako. Napakagagao talaga. Nahulog tuloy ako. Nasa may babaan na ako ng maramdaman kong umandar ito. Edi nakahawak ako at bumitaw na lang dahil baka makaladkad pa niya ako. nahulog ako. napaupo at natumba. napataas pa nga ang aking paa. At akalain mong may kotseng paparating. Buti na lang at nakapagbreak ito. Hi-way kasi yun. Buti na lang at nakapagbreak ang kotse. Tumayo ako tiningnan ung jeep. umigil lang siya nund medyo malayo-layo na. Napasabi na lang ako ng "Fuck You" dahil sa sobrang inis ko. Wala na akong magagawa. Bata lang ako at wala man lang pulis sa paligid. Edi sana inaresto na yung gagong dryaber na yun.

Naglakad ako patungo sa eskwelahan namin. Noong una eh wala lang siya sa akin. pero habang tumatagal eh napaprocess na ng utak ko ang mga kaganapan. MUNTIK NA AKONG MABUNGGO O MASAGASAAN. Pagkabayad ko ng tuition fee, nandun ako sa may hagdan, hinihintay ang ilan sa mga kaibigan ko na nagrereview. Sa katahimikan eh paulit-ulit kong nakikita ang mga nangyari. Nakakahiya. nakakahiya sa mga nakakita dahil parang ewan ang itsura ko noon. At nakakatakot. Takot na takot ako. Nanginginig na nga ako eh. Gusto kong umiyak. Pero pinigil ko ito. Nang dumating na ang mga kaibigan ko, yumakap na lang ako sa kanila at umiyak na talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling hindi nakapreno ung kotse. Sa ospital ako pupulutin. Ano na lang gagawin ng mga magulang ko? Nagtitipid na nga kami eh maoospital pa ako? Ano na lang mangyayari sa buhay ko?

Sa mga sandaling iyon, narelaize ko na ang buhay ay sadyang sandali lamang talaga. kailangan mong sulitin ang bawat araw na ibinibigay sa'yo.

At sa mga sandali ding iyon. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung paano ako uuwi. Ayaw ko muna sana magkomyut. Buti na lang at nandun ang isa sa mga tunay kong kaibigan na si Jomelle upang ihatid ako. Buti mabait ang tatay niya. Haaaii. Buhay nga naman. Hanggang ngayon, pagnaaalala ko yun, natatakot ako. Akalain mong magkaroon ako ng takot sa mga jeep? Haii. Pero kailangan kong kayanin. Hindi naman pedeng magbus ako lagi dahil magastos yun. Katulad nga mamaya, magjejeep na naman ako. Sana bantayan pa rin ako ni guardian angel.

Haii. Bait talaga ni God.

Labels: , , , , , ,

| LEFT AT 11:25 PM

Monday, April 23, 2007

HOW TO DIE-YET.
Sabi ng nanay ko, magdiet daw ako. Pero mukang kulang ata sa T ang ginawa ko. Kung itutuloy ko ito, malamang mamatay ako sa napakabatang edad.

Kung gusto mong pumayat at bumagsak ang katawan simple lang ang gagawin mo.

Una, matulog ka ng past 3:00 ng madaling araw at gumising ng alas diyes.

Panagalawa, huwag kang kakain. As in HUWAG.

Pangatlo, magpapagod ka sa kakabadminton ng isang oras. Walang tigil.

Gawin ang mga yan hanggang sa pumayat ka na at hanggang sa bumagsak na ang katawan mo. Haha. Grabe. Akala ko talaga maoospital na ako kanina. Akalain mo 'yun? Di ako kumain ng buong araw tapos diretso badminton na nakakapagod. Pagkatapos lang ng pagbabadminton ako nakakain. Haii. Grabe.

Ayun. Nashare ko lang. Huwag niyo akong gagayahin ah. Salamat pala sa mga nakiramay sa huli kong post. :)

Share ko senyo yung gift ng DESTINY ko. Ito ohh..


click to enlarge na lang.


Salamat.

Labels: , , , , ,

| LEFT AT 3:57 AM

Thursday, April 19, 2007

WALANG ISIP
Wala akong maisip na title so wala akong isip. Kaya may naisip ako (okay so may isip pa pala ako). Magsuggest na lang kayo ng title, tapos, pipili ako, Yun ang title. So sana lang magsuggest diba? Kung wala, edi yan na lang.

Mula pagkabata, madami na din akong napagdaanang mga hamon. Hindi hamon na pakain kundi hamon na challenge. At ang pinakamatinding hamon na natikman ko ay ang hamon sa pagiging manunulat ko.

Isa akng trying hard na writer. Oo. Inaamin ko. Kaya kung sakaling 'yan din ang tingin niyo sa akin, feel free to say it to me! Yan din ang tingin ko sa sarili ko. Sa tingin ko naman, 'yun din naman ako.

Simula pagkabata, nagsusulat na ako. Sa dingding, sa papel, sa dyaryo, sa magazine, sa libro, sa balat at sa kung saan-saan pa. Kung anu-ano din ang sinusulat ko. Mga leta, numero, artikulo, essay, tula, kanta, kwento, sagot, tanong at madami pang iba. Pero kakaunti lang sa mga 'yun ang nagbigay ng fullfillment sa akin. Isa dalawa? Basta hindi hihigit sa lima. Bakit? Di naman sila napupuri, di naman sila nabibigyang pansin, di naman sila nabibigyan ng halaga. Eh yun nga ang goal ko eh. Paano ba naman. Lagi silang natatabunan ng gawa ng iba. Lagi na lang, ang galing mo naman (indert name here). Wala man lang bang "ang galing mo naman ALYANNA!"

Minsan na akong nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng pinakamataas na marka sa isang requirement namin sa school, na kinakailangan ng "talent" sa pagsusulat. At nakakatuwa naman dahil ilalagay daw sa school paper ang makakakuha ng pinakmataas na marka sa klase. Tuwang-tuwa na sana ako nung nakuha ko 'yun. Pero sa kasamaang palad nga naman, dalawa kaming nakakuha ng tumataginting na perfect score minus 4 na marka. Dahil ganon, namili na lang 'yung teacher namin sa aming dalawa. Sa totoo lang, hindi na ako nagexpect noon. Dahil alam ko naman at nakikinita ko na, na siya na naman ang mapipili. Napakagaling niya naman kasi diba? Sino ba naman kasi ako para ihambing sa kanya. Isa lang akong uuod at siya'y isang paruparo. Nagpapasalamat din naman ako dahil at least, isa ako sa dalawang nakakuha nung pinakmataas na marka sa amin. Pero nalungkot din ako. Sana din pala, siya na lang yung nag-iisang nakakuha noon. Para hindi ko na naman na feel na isa akong LOSER, talunan. Siguro nga, hindi talaga ako para sa pagsusulat. O pede rin namang sana ako na lang mag-isa.

Isa pang patunay ng pagiging trying hard writer ko eh ang interes ko sa kursong Mass Communication at Organizational Communication. Pero habang tumatagal, nararamdaman kong, parang hindi ako uunlad sa mga kursong ito. Hindi naman ako magaling sa pagsusulat eh. Ano pang makukuha kong garde sa kursong yun? Pero sabi naman nila, kung anong gusto mo, yun ang magandang kunin na course sa college. Eh parang nangangamba ako eh. Baka mapashift lang ako o mapatalsik ng di oras.

Alam niyo bang isa sa mga dahilan kung bakit ko ginawa ang blog na ito ay dahil gusto ko ngang magsulat (o magtype dahil tntype ang mga bagay na nakikita dito). Dito kasi, ako lang. Wala ng iba. Ako lang, wala akong kakumpitensya. Ako lang, kasi nga .. AKIN ITO. Diba?

At alam niyo din bang hindi ako marunong magtapos ng isang akda?


---

hay. grabe. walang kwenta talaga ako. haha. pagpasensyahan niyo na lang yan kung nabasa niyo man. XD

Labels: , , , , ,

| LEFT AT 8:45 AM

Tuesday, April 17, 2007

DEATH
"Yan ang hirap sa inyong mga mortal eh. Gawa kayo ng gawa ng mga gamot na pampabata, pampahaba ng buhay, pero hindi niyo na mababago ang itinakda. Drating din ang kamatayan."
- Michael De Mesa, Mang Andres (Sana Maulit Muli)

Those were not the exact words but that was what he mean. And I believe his right.

Death is part of one's life. And we can't stop it. I do believe in destiny but I also do believe that we make our own destiny. There are some things and events in our life that God has already planned, and i believe that death is one of those.

I actually fear the topic of death but then I realzied that I have to face it. Whatever we do, it will come in the right time. In the time that God has planned. We just have to face it and be happy. Because death is a gift from God. It ends our sufferings, our mundane hunger, our pains and our evil life and it is the beginning of the eternal life that God has promised.

/ woops. pero ayaw ko pa naman mamatay. :)

Labels: , ,

| LEFT AT 3:17 AM

Sunday, April 15, 2007

NEW NAME (the story of the MAYJAY)
Due to insistent heat demand, we went to Tagaytay last Saturday. We planned to attent an anticipated mass at Lourdes but we were already late for the last mass. After a 10-minute drive (or was that less than 10 minutes?) we were already at the tourist bakeshop. The shop was owned by a friend of my mother when she was still studying MBA (Masters in Business Administration?). We bought some pastries and I tell you, their crinkles and brownies are good. I don't know if it is really good, or it's just that I'm very hungry? We then went to Teriyaki Boy to eat our dinner. ( i so <3 japanese food)

So here's the story. Since we are in Tagaytay, I won't let myself pass by starbucks only. I need to drink a FRAPPE! ( I know it's already cold in Tagaytay, but no one can stop me from drinking choco frappe. ^^. )Haha. So me and my sister bought our drinks in starbucks. I ordered one short brewed coffee (for my mom) and two choco frappe tall. When the barista asked for my name, I said "AJ". That's what I usually use. The barista said "ah. ganito na lang po 'yung spelling ah" I didn't mind him because it was just a name and a spelling. I guess it would still be read as AJ. But then, when I already got my order, the name written in the plastic cups was "MayJay". HAHA. Cool. I find it cute and funny. HAHA.

So that's it. Sorry for being such a lazy blogger. I can't think of any sensible topic. LOL. Want to suggest one? :D

Labels: , , , , ,

| LEFT AT 8:13 PM

Thursday, April 12, 2007

AFTER THREE YEARS, IT'S GONE.
He was with me through sweetness and bitterness, good viands and bad biands, tootache and foodtrips. But then, those bonding with him has now ended. He's already detached with me. MY BRACES ARE ALREADY DEBONDED. Ahww. How good (or bad?)

I'm happy because I won't experience the dready adjustments every month. But then it makes me sad when I take a picture and the colors of my teeth are already gone. How dramatic. But then I have to move on, I should be used eating foods with my retainers for one year.

Goodbye Braces. hello retainers. :D

---

We had this mini reunion today. I, Gab, Noriel, Kath, Pauline, Kebin, Jomelle, Macerie, Patricia and Benedick met in SM BACOOR. We forst ate at McDo (yumm. floaaat!) at then we proceded to the movie house. Buti na lang di pa nakkaumpisa agad yung movie. What did we watch? ANG CUTE NG INA MO! Woot. It was really funny! Nakakahiya na naman sa sinehan yung tawa. Ahw. Haha. After the movie, we went to the studio to have a pic and then had snacks at Shakey's. Ang mahaal. Haha. Last stop? QUANTUM! Dance Revolution is really tiring. And gues what! I got my second stuff toy from the stuff toy machine! (it's the machine with lots of stuff toy in it and you're going to move the picker and press the button. OH CRAP. It's hard to explain. haha.)That made my day happy. The first stuff toy I got was from Rob Dasma (he was named Persy). What name ca I give my second stuff toy? SUGGESTIONS PLEASE. :)

Labels: , , , , , ,

| LEFT AT 7:23 AM

Sunday, April 08, 2007

HOLY WEEK
Ako ay nagbabalik pagkatapos ng mahabang BREAAAK. Haha. Nasira kasi ang dakilang computer at nung Holy Thursday lang ata or Holy Friday naibalik. Hmm. Eh tinamad ako, so ngayon pa lang ako maguupdate dito. Yehey. Haha.

Anyway, ayun. Para sa akin hindi masyadong naging meaningful yung Holy Week unlike the past Holy Weeks namin. hehe. Di kasi kami naka-attend nung Seven last Words tiyaka ung Easter Vigil. Tapos, di rin nag Bisita Iglesia. Kaya ayun. Usually kasi lahat na-attendan namin eh. Tapos ewan parang walang masyadong sacrifice for me. Hehe. Although sinacrifice ko 'yung pagtetext ko. Hehe. Ayun.

Wala na ako mailagay. Pasensya na at napakalame nito. Aalis kasi kami at for the sake lang ito na may ipost. Haha. Ayun.

MAY MAGIC SING NA KAMI! :D

Labels: , ,

| LEFT AT 8:55 PM