Blog

URL
http://www.alyannajean8.blogspot.com
http://www.alyannajean8.tk

OWNER
alyanna jean m . maliwanag
[ see creator section for more info ]

LAYOUT
LOVEBURN.

Best Viewed in 800x600 reso

LO by alyanna
coded by alyanna

AGE
TWO YEARS OLD and some effin months.

RULES
RESPECT RESPECT RESPECT


Author



ALYANNA JEAN MALIWANAG

girl . 013192 . 16 . teen . incoming college freshman . teentalker . UNLITXTer . camBITCH . Industrial Engineer . YFC

<3s
GOD . family . friends . music . rock . pop . asians . texting . writing . photography . 17teen

Xs
backstabbers . plastic . being alone . insensitive people . reading . EVIL

FUTURE
engineer . busniesswoman . celebrity .

The greatest rewards come from doing the things you fear of.

CAUGHT IN ACT


SPOOF.
Archives

PREVIOUS
Just checking if this still works..
BELATED HAPPY THREE YEARS!
LOVE SONG TEST
HANDWRITING ANALYSIS
VALUE
AN ACTIVE MEMBER
PLAYING WITH TED HANA
BACK ON TRACK
RETREAT '08
MERRY CHRISTMAS!

MONTHS
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
December 2007
January 2008
April 2008
July 2008
September 2010
Current Posts



Links

[x]alyssa
[x]arnel
[x]aya-chan
[x]bianca
[x]bulitas
[x]camila
[x]christian
[x]composed gentleman
[x]deyja
[x]eunice
[x]icarus
[x]jhana
[x]kim
[x]luki
[x]mikmik
[x]moshi
[x]niknok
[x]onang
[x]ramona
[x]padre salvi
[x]paeng
[x]via



Tagboard




Credits

[x]cbox
[x]html goodies
[x]blogger
[x]kumant
[x]dot.tk
[x]camila
[x]haloscan
[x]dafont
[x]imeem

Accounts
FRIENDSTER
anna_o8_ly@yahoo.com
yanna_maliwanag_131@yahoo.com

YAHOO
yanna_maliwanag_131@yahoo.com

Y! MESSENGER
aljemama11

TEENTALK
y4nn4
thread

MULTIPLY
br0ken33

Button




Honor



â?¢ 1st place on week 30

> 4th place for week 31.


2nd place for week 32.



Hall of famer na ako. (:

know more v.(".)
Pls keep supporting the FBOTW of Mr. Talksmart. (:

I WON. ;)

Tuesday, December 26, 2006

PASKO MEHN!
Belated Merry Pasko Everyone! Kamusta mga Pasko niyo? Ako ito, ikkwento ko na.

Nashare ko ba sa inyo na nakumpleto ko ang Simbang Gabi? Oo. Nakumpleto ko uli siya. Hehe. Panata na ata naming makapatid yun. Nagsimula ata kami nung grade 4 ako at ngayon nga eh 3rd Yr HS na ako. Hehe. Kahit nga Exams ung mga time na yun noon eh pinipilit talaga naming magsimba. Siyempre dahil ayaw ko ng gumigising ng maaga at gusto ko ng natutulog ng umaga eh gabi talaga kami nagsisimba. 9.30 - 10.30. Ayun. Di ko tuloy napanood Princess Hours. Haha. Ok lang natapos ko na naman yun eh. Kaso iba siyempre pag dinub. Lol. So ayun.

Noong ika-23 din eh nagkaroon ng Christmas Party dito sa aming istrit. Masaya naman siya tulad ng dati. Hehe. May Exchange gifts pero wala pa akong nakukuha kasi wala noon yung kaexhange gift ko. Sana bigyan niya pa rin ako. Haha. Ayun, kaso kinailagan namin umalis ng kaaptid ko dahil huling araw na ng simbang gabi. Hehe.

Ika-24 naman eh umuwi na kaming Bulacan. Pero bago ang lahat, pumunta muna kaming MOA. Yehey. Kumain kami sa Pancake house. Miss ko na foods dun. Tacos! Wee. Hehe. Tapos namin maglunch, nagpunta kaming iMAX! At sa wakas, nakapagimax din! Dapat panonoorin namin, Happy Feet. Akala ko pa naman sa wakas eh mapapanood ko na siya. Pero mali ako. Hindi ko pa rin siya napanood. Maaga kasing nagsara ang MOA dahil abente kwatro noon. So Santa Claus vs. Snowman na lang ang pinanood namin. Less than an hour lang siya kasi 3D. Hehe. Ayun, first timer kaya tuwang-tuwa kami ng kapatid ko. Hinahawak-hawakan ko ung pinapanood ko kaso naalala ko 3D nga pala kaya ganun hindi talaga siya nasa harap ko. Niahaha. Katabi ko eh magsyotang Korean. Akala ko makakatabi ko yung guy. SAYANG! haha. may itsura pa naman. hihi. Nga pala, kaming dalawa lang ng kapatid ko kasi sabi ng nanay ko masyadong pambata kaya maglilibot na lang sila. Ayun. after ng iMAX eh nagkita kami ng mga magulang ko at nagbiyahe na papuntang Bulacan. Sa totoo lang hindi gaanong masaya ang Pasko dun kasi kami lang dalawa ng kapatid ko ang bata. I mean, wala kaming pinsan doon. Puro matanda andun. Kaya ganun. Hehe. Pero masaya pa rin kasi andun naman si lolo, lola at tita. pati siyempre parents namin. Hehe. Father's side nga pala yun. Ayun. Natanggap ko mula sa tita ko eh NEW GUITAR! Yehey. Ang saya. Haha. Kaya sineseryoso ko na ngayon ang self-study ko sa gitara. Marunong naman ako kaso di ko kabisado mga chords. Haha. Basta kaya ko ito. Para sa susunodm electric na! Wee. Noong dumating na ika-10 ng gabi eh nagsimula na kaming mag-ayos ng pamilya ko. Kaming apat lang ang magisismba. Lagi naman eh. Hehe. Ayun, sayang di ko napanood panunuluyan kasi madami nakaharang sa harap. Hehe. Tapos umuwi, kumain ng konti at nagtetext at natulog na ng ika-3 ng gabi.

Kinabukasan eh wala naman kaming ginawa. Nanood lang ng tv at nag-intay maggabi. Pagkatapos ng DEAL OR NO DEAL, eh umalis na kami. Uwi na papuntang Cavite. Picture picture kami ng kapatid ko. Haha.

Ayun, hai. May sakit ako ngayon. Niemas! Haha. Sana gumaling na ako. Para masaya ang bagong taon. Hehe. Naupload ko na nga pala mga pics sa multiply. Tapos may naisip ako. Bakit di ko agad naisip na sa multiply iupload mga regalo para mas madali!? Haha. Late na. nasa huli ang pagsisi.

So ayun. Merry pasko na lang uli. Kunin niyo mga regalo ah! ^^.


tcGB aryt?

| LEFT AT 5:51 AM

Friday, December 22, 2006

REGALO
Maligayang Pasko. Ito na ang mga regalo niyo. Hindi ko na ito maasikaso bukas at sa Pasko dahil kami ay pupuntang Bulacan. Doon kami magPasko. Paki click na lamang ang mga pangalan niyo. Sa mga links ko lang ito. Sencia kung wala ka. Kunin mo na lang 'yung walang pangalan. Para din naman sa iyo yan. Huwag ka ng mahiya. Ok? ^^.

alyssa + andrea + angelique + angel + anna + alyssa + april + arnel + aya-chan + bianca + cai + camila + casey + chels + chelsea + christian + christine + mr. talksmart + deejay + deyja + diane + em - em + ereen + eugene + eunice + francine + glenda + grysh + heneroso + henzel + hurwe + icarus + jelz + jochie + jonell + justine + kaye + kaween + kevin + bianca + kimpoy + lala + lana + luki + mara + mae + marhgil + mark + mikmik + mishi + megan + monic + moshi + mrtuesdaycopy + niknok + paeng + pamz + pearl + princess + rc:xaviers + rhina-shane + sefree + via + ysa + zel + ate julie

visitors (kunin niyo na!)
Pasencia na sa mga ate at kuya na hindi ko nalagyan ng ate at kuya. Nagmamadali kasi ako eh. Haha. Nawa'y nagustuhan ninyo.

| LEFT AT 8:05 PM

Thursday, December 21, 2006

CHRISTMAS IS SHARING
Christmas is sharing. kaya magshshare ako sa inyo. Haha.

Akalain niyong may mga matitinong pulis pa pala na hindi tumatanggap ng "lagay". Nung isang araw nakakita ako ng ganoong pulis. Natuwa naman ako at nainis dun sa nagbibigay ng lagay. Bad bad bad. Kaya sana kayo, wag kayo magbibigay ng lagay. Tanggapin niyo ang consequences ng nagawa niyong mga kamalian. At huwag na kasi kayong pasaway. Kayo namang mga pulis (kunyari may pulis na magbabasa nito), huwag na kayong tumanggap. Madadala lang ang mga tao sa pagsuway ng batas. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Kasi mga Pilipino pasaway. Huwag nga kayong pasaway! Haha.

Ikalawa, siguro sa tuwing makakakita kayo ng mga kamag-anak na matagal niyo ng hindi nakikita eh hindi maiaalis ang kanilang pagkamangha sa'yo dahil lumaki ka na. Sasabihin nila, " ang laki mo na " "dalaga/binata ka na". Di ba kayo natatawa? Masyado silang namamangha. Ngunit hindi ba't mas kamangha-mangha kung lumiit kayo? Haha. nakakainis kasi ang mga ganoong kumonte lalo na kung may katabaan ka katulad ko. Parang nakakainis kasi. At bakit ba sila masyadong namamangha sa paglaki ng isang bata? Ano bang inaakala nila? Fetus poreber tayo? Wala lang napag-isipan ko lang.

Yung regalo ko, mamaya na lang? Haha. tinatamad ako eh. Nakakainis kasi ung friendster. Grr. Naggawa ako ng testi para sa lahat. nakadami na ako. Kaso, MALI UNG CODING KO. speaking of stupidity. Badtrip. Haha.

Sige sige. Comment kayo. ^^.

| LEFT AT 7:14 PM



PASKO NA DUDE
WARNING : ISANG MAHABANG ENTRI.

Malapit na ang Pasko. At naging napakabusy ko. Haha. Abvious naman diba? Kay tagal kong hindi nagpost ng entry. Pasensya sa mga fans ko na nag-aabang. Aisoos. Asa ka Alyanna. Haha. Anyway, ayun wala naman masyadong nangyari. Actually madami, busy nga ako diba? So ibig sabihin madaming nangyari. Haha.

Basta Quarterly Exams last week. Last day ng Tests ay Thursday. After ng exams, gumala kami ni Neil. After ng klase eh nagcommute kami papuntang SM Bacoor upang magbilihan ng mga kulang na regalo. Actually, ang kulang na lang niyang regalo eh sa crush niya at sa akin. At ako naman, siya na lang yung kulang. So in short, nagpunta kaming SM para bumili ng regalo sa isa't-isa. Sandali lang kami actually nagkasama. Haha. Sandali nga ba? Hmm. Siguro mga dalawa hanggang tatlong oras. Pagkabili niya ng regalo ko umuwi na siya. Nakita ko yung bigat niya. Haha. Pagkatapos niya akong iwan ay biniyayaan naman ako ng Diyos ng kasama. Si Paola. Haha. NagQuatum lang ako ng mga sandaling magisa ako at nang dumaitng si Paola ay hindi na ako kailanman nalumbay dahil sundsunuran ng dumating ang mga kaibigan ko. Nabudburan ng Setonians and SM ng mga panahong yaon. Marahil lahat sila ay namimili ng regalo dahil kinabukasan nga noon ay Christmas Party namin. Ayun, nakadeyt ko din sila Eugene, Rowen, John Yu at Ate Trixie. Yaong mga lalaki ay tinulungan kong bumili ng mga regalo para sa kanilang mga minamahal. Kaya mga babae ng mga nasabi kong lalaki, naway nagustuhan niyo ang bigay nila. Kasama ako sa pagpili eh. haha. Di kasama 'yung babae ni John Yu ah. haha. Teka, kilala niyo ba kayo? Masyado ata akong natutuwa. Basta. Gabi na ako nakauwi kasi kung saan-saan pa pumunta ang mga magulang ko. Kaya ayun. Anong resulta? Edi alaskwatro ako natulog. Nagpuyat sa pagbabalot ng regalo, paggawa ng modyul at pag-ayos ng exchange gift. Bti na lamang at alasnuebe pa ang party. Nagising ako ng alasiyete. So bale tatlong oras na tulog lahat. At take note. Hindi mahimbing ang pagutlog na iyon. Ginambala ako ng ingay ng mga taong naggising ilang sandali bago ako matulog.

Kinabukasan eh Christmas Party na nga. Madami naman akong natanggap na regalo. Kahit papaano eh tumubo ako ika nga sa business. Naging masaya naman ang Christmas Party. Maayos naman ang Exchange Gift ngunit di ko na ito naasikaso ng maayos dahil masyado din akong bisi sa pagasikaso sa pagkain namin KFC dahil ako din ang nakatoka noon. Sa mga panahong ito eh naramdaman ko ang pagiging Presidente ko. haha. Matagal-tagal ko din ito ng huling maramdaman. Pagkatapos ng Christmas Party eh umalis ang ilan sa mga kaibigan ko at nagtungong SM. Ako naman eh umuwi na dahil wala na akong pera at hindi ako papayagan malamang at gusto kong matulog dahil may simbang gabi pa sa gabing iyon kaya pinili ko na din kahit papanong matulog ng napakahimbing. Kaso kung kelan naman ako natulog eh tumawag ang isang importanteng tao sa buhay ko at hindi ko nasagot dahil nga masyado akong tulog. Sa araw din nga na yon eh ang umpisa ng aking simbang gabi. So far, wala pa naman akong absent. Mabuhay ako. Haha. Last Year nakumpleto ko din. Naway matupad muli ang aking mga kahilingan.

Sabado naman ay sumama ako sa nanay ko sa opisina nila dahil balak kong panoorin ang aking mga kaibigang si Kebin at Andre na tumugtog sa SM. Akala ko nung una sa gitna sila tutugtog ngunit sa Cinema 6 pala. Sosyal. Haha. Graduation ng Kumon Advance achuchuchu. Napakatagal kong nag-intay bago sila matapos dahil sankatutak ang bronze medalist. Iba't ibang lebel at iba't ibang mga centers. My gulay. Ng matapos silang magperform eh umalis na din kami sa Cinema 6. Nagquantmquantum lang ako at di kalaunan eh naresib ko ang teks ni kevin na nanatili pala siya sa SM. Nilibre niya ako ng Max's dahil nanalo ako sa pustahan nami dati. Haha. Salamat Kebin. Napakagalante mo talaga.

Linggo naman eh wala naman atang nangyari. Nasa bahay lang ata ako. at nagsimba sa gabi Siyempre.

Lunes naman eh opisyal na nagsimula ang aking bakasyon. Walanja nga lang. Brown out halos buong magdamag. Nang nagkaroon na ng kuryente eh magsisimba na kami. Ayan, tiyansa ko na sanag kumunek sa internet world pero ano ba naman. BROWN OUT. Haha.

Kinabukasan naman ay Martes. Sumama ako sa nanay ko sa ortigas dahil magshoshopping sila at nagbabakasakali rin akong makatagpo ng mga ninangat ninong sa Main Office ng Meralco sa Ortigas. Kaso wala. WALA AKONG NAKUHA PERA. Nawala ang mga ninong at ninang ko. napunta sa mga bracnh yaong mga galanteng nagbibiay ng limang daan. Meron pala akong nakulimbat. 150 mula sa ninang Gigi ko. Salamat sa'yo ninang. Tapos sa Meralco eh nagpunta kaming greenhills at namili tapos eh sa Robinson Galle. Nagpaderma ang sosyal kong nanay habang ako naman eh nagaarcade sa katabing arcade ng derma clinic. Alam niyo bang nagvideoke ako!? Haha. Kahihiyan. Ganun siguro pag magisa ka. Malakas ang loob mo.

Kinabuksan Miyerkules eh kaarawan ng nanay ko. Nagpunta kaming Batangas at dinalaw ang mga lolo at lola ko. Natulog lang ata ako dun dahil lagi akong puyat sa walan kadahilanang dahilan. Ano daw? Tapos nagsimba kami sa gabi. Lagi naman eh. Sabi ko nga, wala pa akong absent ni Late. Yeyeye!

Sa wakas, dumating din ang araw ng Huwebes. haha. Gumising kami ng maaga, 7.30. Maaga un ah. Kasi nanay ko gusto salubungin ang pagbubukas ng MOA eh. Di nama natuloy. Dahil nahiga lang kami at nanuod ng telebisyon ng ilang oras at kumilos lang ng mga alasdiyes ata o alas onse. Haha. Kaya ayun, nakarating kami sa MOA magaalauna. Di pa kami naglunch kaya kumain kami sa Teriyaki. Madami na naman akong nakain. Ang hirap tuloy magpaliit ng tiyan. Haha. Naka 50 ata kami o 750? Tatlo lang kami ah. Haha.Isipin na lang namin kasama namin si Daddy. Pagkatapos eh namili na lang kami. Masyado ata kaming nawili at napabili kami ng dalawang asong stap toy na malaki na worth 300 dahil may SM Advantage ang nanay ko. Nakalimutan naming wala kaming sasakyan at magkokomyut lang kami pauwi. Haha. Pero namili pa rin kami. Iba ang may 20000 gift check eh. Haha. Di na naman kami natuloy ng Imax. Bwisit. Haha.

At ayun, natapos na ang lahat. Bukas ko na lang ( o baka mamaya kasi alauna singkwenta na ng madaling araw ) ilalagay ang mga kaisipang naisip ko sa mga nagdaang araw. madami - dami din yun. Bukas na lang din ( o mamaya ) yung mga pamasko ko sa inyo lahat ng nasa links ko at mga bisita. Haha. Kasi gusto ko ng matulog.

Ayan. Ang haba talaga. Di na ako magiiba ng kulay sa ibang salita kasi tinatamad na ako. Sige ha. Nga pala bago na layout ko. Year-end special. Pagkatpos ng unang linggo ng Enero eh papalitan ko na yan. Callalily uli? Ewan.

Sigesige. BB.

| LEFT AT 9:19 AM

Monday, December 11, 2006

HOW DO I SEE MYSELF AS A PERSON
In my previous entries, I have said that I am joining this Ateneo Junior Summer Seminar of Ateneo (obviously). There's this part in the form wherein I need to make an essay with the title, HOW DO I SEE MYSELF AS A PERSON. I would like to share it to you so that you would know me better. For some correction in grammar, suggestion of better words or whatsoever, pls say it. Feel free to comment in this post.

HOW DO I SEE MYSELF AS A PERSON

Alyanna Jean Maliwanag, it may sound like a weird name but hey! There’s more that you should know about me. I’m not a simple ordinary teenage girl. In some way I could be considered as extraordinary because of my differences with other typical teenage girls nowadays.

I am a friendly person. I love my friends because I know they are one of God’s greatest gifts for me. I love socializing with others but I am neither a social climber nor a social clone. I love mingling with others showing them the real me. I like what I like and I don’t like what I do not like. But then, I don’t have the guts to tell it to other people. I love peace. I don’t like war. But I am no complacent. I am just not a vocal person when it comes to my opinion. I’m more into writing them in my online (blog) or personal diary, or in whatever form of literature. But when it really is necessary, I could speak for myself.

I love adventures, though I am coward. I am afraid of making mistakes but I love getting involved into things. I hate responsibilities but I love serving others. This is what made me win the position of Vice President in our Student Council when I was in Elementary and running for PRO for the Student Council in my High School. When I want something, I try hard to get it. I am patient. Give me a problem and I’ll solve it until hell freezes. One of my mottos is”Try and try until you succeed.”

I am likewise a musically inclined person. I love music and other things related to this. Singing is my first love. My dream is to be a famous singer one day in the genre of rock and pop. I know others say it’s a very stupid job but for me it’s the best job that I could go into. And I’ll do everything just to show other people what my music is. God gave me this talent and so I am going to show them what I got.

Most of all, I love myself. I love God that’s why I love His greatest creation, me. I am emotional and I love treasuring things. I know I have my flaws but I’m trying to correct them. I don’t want to change myself but if it is necessary, I will.

--

So that's it. Sorry for the late post. It's our Quarterly Tests this week and I'm having a hard time studying my lessons. I just hate studying. So far, so good. Six more subjects to go. Wish me Luck.

Chrsitmas is fast approaching, we already shopped. 168's the place. I found this stall wherein they sell very cute bags. You're girl and guy friends would surely love them. Try going there.

| LEFT AT 10:05 PM

Wednesday, December 06, 2006

UNLUCKY 9
MENTAL BLOCK. Nangyari na ba iyan sa iyo? Kung ako ang tatanungin mo, OO. Kahapon lang nang mageksamin kami sa Matematika. Nakakainis isipin na sa lahat pa ng pagkakataong mamemental block ako eh sa paborito ko pang asignatura. Isa pang nakakalungkot eh ang dali niya ngunit dahil nakalimutan ko ang pormula sa pagkuha ng measurement ng angle sa pammagitan ng law of cosines, eh hindi ko tuloy nasagot. Sa totoo lang, unang beses mangyari sa akin ang ganoong kalalang mental block. Nanginginig ang buo kong katawan at tila ba nalilito kung anong gagawin. Sinubukan kong gawin ang pag mamanipula ng orihinal na promula pero hindi pa rin gumana. Pesteng square root 'yan. Tuloy, bagsak ako. Sa isang hindi risonableng kadahilanan. Hindi sa grade conscious ako pero mahalaga talaga para sa akin ang asignaturang Matematika. Nais kong hindi kumuha ng huling pangkapatang pagsusulit dito dahil ayaw ko na talagang mahirapan kung kaya't nagpupursige akong makakuha ng mga matataas namarka dito. At isa pa, nakakainis kasing isipin na alam ko naman talaga dapat 'yung sagot dito pero namental block nga ako sa di malamang dahilan. At isa pa, kung kelan ko nakuha na ang tila tamang solusyon eh TIME'S UP na. Tadhana nga naman. Sa huli, nakakuha ako ng NINE/20.

Kani-kanina lang naman eh nagkaroon kami ng isang pang-upuang gawain sa Kemistriya. Nakakainis dahil hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi kami pinayagang tumingin sa Periodic Table na sariling gawa namin. Hindi ko tuloy alam ang mga charge ng mga pormulang ibinigay sa amin. hindi ko din alam kung metal ba o hindi metal ang mga kombinasyon. Argh. Hindi ko tuloy nasagot ng maayos. May sagot naman ako sa lahat ngunit higit na mas madami pa din ang mga mali ko kesa sa akin tama. Sa huli, nakakuha ako ng NINE/25

O hindi ba't tila nakakatawang isipin dahil lahat ng mga marka ko ay NUEBE. Puro pa hindi pasado. Pero tila nagbigay ng kaunting pag-asa ang NUEBE pagdating ng klase namin sa Ingles.

Nagkaroon naman kami ng pagsusulit sa sumunod naming klase. Sa totoo lang, gusto ko sanang itama lahat ng numero dito ngunit tila hindi na naman ako pinagbigyan ng pagkakataon. Bakit ko gustong iperpek? Kasi naghihingalo na rin ang grado ko sa Ingles. Nakakalungkot pero nakakatuwa naman dahil kahit papano, isan pasadong marka ibinigay ng nuebe sa akin. Nakakuha ako ng NINE/10. Whew.

Well, sa tingin ko nga ay hindi sa akin pwede ang LUCKY 9. Unlucky 9 nga naman.

| LEFT AT 4:25 AM

Saturday, December 02, 2006

DAHILAN
talksmart: hello..I am elevating you to the hall of fame. YOu landed 2nd place this week and that is more than enough to be in the hall of fame claim ur award. (: Congrats (:

Tama ang nabasa niyo, nakuha ko ang ikalawang pwesto sa Filipino Blog Of The Week para sa week 32 at hindi lamang 'yan. Isa na din ako sa mga nasa Hall of Fame. Maraing salamat sa mga bumoto para sa akin. Sana sa susunod suportahan niyo pa rin ako. Hinihikayat ko din kayong bumoto pa rin para sa Filipino blog Of The Week kahit wala na ako. Haha. (:

Natutuwa ako at madami ang natuwa sa nakaraan kong entry. Gusto ko talagang madami ang makabasa nito upang mamulat ang mga kabataan ngayon lalo na ang mga lalaki na masyadong nagtatake advantage sa mga babae. Natutuwa din akong madami ang mga sumang-ayon sa akin. (:

Sa isang taon ko dito sa blog-o-sphere kung tawagin nila, eh ngayon ko lang natatanto kung ano nga ba ang importansya ng blog. Ngayon ko lang nalalaman ang mga dahilan kung bakit ko nga ba ginawa itong blog na ito. Noong una, kaya lang talaga ako gumawa ng blog upang maki-uso. Madami din kasi akong mga kaibigan na nagbblog. Isa pang dahilan ay upang may magawa ako sa tuwing nagoonline ako. Haha. At para mailagay dito kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa mga oras na kailangan ko maglagay ng post. Para din mailagay kung ano ang mga nangyayari sa akin sa buhay ko. Pero sa mga nakaraang mga araw, tila mas nakakita ako ng mas malalim na dahilan para ipagpatuloy ko ang blog na ito. Hmm. Ano kaya 'yun?

Wala na ako maisulat. Ingat na lang kayo at maraming salamat muli. Sa mga hindi pa nakakabasa ng huli kong entry, basahin niyo sana ito. Lagay na din kayo ng komento tungkol dito. Feel free, kung di kayo sumasang-ayon sa akin. Ok lang. (:

| LEFT AT 8:39 PM

Friday, December 01, 2006

BAWAL SA BATA
Bago mo basahin tong entry kong 'to, siguraduhin mo lang na OPEN MINDED ka at isa kang nilalang na MATURE na. Bawal ang post na ito sa mga MALISYOSO, IMMATURE, ISIP-BATA at kung anu-ano pa. Walang age limit, basta siguraduhin mong tumugma ka sa mga requirements.

Well, ang entry na ito ay tungkol sa PMS o PRE-MARITAL SEX.

Tulad ng nasabi ko sa side bar ko, isa akong TEENTALKER. Sa hindi nakakaalam kung ano ito, bisitahin niyo ito. Ayun nga. Nageexplore ako sa mga iba't-ibang forums ng makita ko ang isang may subject na : " Paano kung yayain ka niyang mag-sex? " Basta parang ganyan 'yung topic. Binuksan ko siya. At ayun, parang gusto ko lang mag-open ng mga ganitong bagay dito sa blog ko. Huwag niyong kwestiyunin ang edad ko kasi naniniwala ako na wala 'yan sa edad. nasa pag-iisip yan. At kung iisipin natin, madami ng babae sa mga panahon ngayon na kasing edad ko pa lang hindi na virgin. Kaya paa sa akin, ok lang 'tong ginagawa ko.

Ganito kasi 'yung problema nung nagpost. Niyaya daw siya ng boyfriend niya na magsex. Sinabi nito na kung mahal talaga niya siya eh papayag ito. Ngayon naman naguguluhan si girl kung yes or no. Ang sagot ko, NO. pero kung handa siya, edi yes. Pero mas maganda pa rin kung NO. Kasi maganda talaga kapag no. Mas nakakabuti at mas nakakabuti talaga.

Isa sa mga nagreply dun eh isang lalaki. Sabi niya totoo daw na sex daw ang makakapagpatunay kung may tiwala ba talaga yung babae sa lalaki. Trust daw kasi eh kailangan sa isang relationship. At kapag um-oo ang babae, ibig sabihin nun may trust, kapag hindi, wala. Siguro nga oo. Pero diba parang hindi rin pagpapakita ng trust ng lalaki sa babae kung yayayain niya pa ito sa isang kwarto at gumawa ng milagro para lang patunayan na mahal siya nito. kung may tiwala ang lalaki sa babae, dapat wala ng mga ganung klase ng pagsubok diba? o kaya naman bakit hindi na lang yayain ng lalaki ang babae na magpakasal imbis na makipagsex. I mean, diba dun din naman ang tungo nun?

Di naman sa inaayawan ko'yung mga dalagaing ina dito. Actually, inaadmire ko sila. Inaadmire ko 'yung mga dalagang ina na hindi pinabayaan ang kanilang mga anak, hindi nagpa-abort at hanggang ngayon ay buhay pa. Gets niyo? Kasi nakayanan nilang itaguyod at ipaglaban ang sarili nila sa mga taong masyadong judgemental. Actually, ang inaaay ko dito ay yung mga lalaking nagyayaya sa mga girlfriend nilang magsex. Bad kayo. Tsk2. Yayain niyo na lang silang magpakasal! Huwag ng ganun ganun. ok? Haha.

Ayan, huwag niyo akong pag-isipan ng masama. Una sa lahat, hindi ko kayo pinilit basahin ito. May qualifications pa nga diba. kapag pinag-isipan mo ako ng masama, ibig sabihin you're not worthy of reading my post.

'Yun lang. sige sige. :)

Laging tandaan : Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan! Naks.

| LEFT AT 3:01 AM