Saturday, January 20, 2007
TITLE
Pasensya na kayo wala na talaga akong maisip na titulo, kaya title na lang. Nung Miyerkules may naisip na ako kaso naman hindi na siya appropriate dito sa post na ito at isa pa, ung isa pang dapat nasa post na naisip ko eh nakalimutan ko na. Sayang naman, bukas na lang 'yung post ko na naalala ko pa, pero ittry ko lang kapag hindi ako inatake ng katamaran.
Sasabihin ko na lang sa inyo ang mga nangyayari sa akin sa kaslukuyan. Tutal, yun naman ang main purpose ng blog na ito. Gagawa na lang ako ng isa pang blog na pangopinyon at thoughts na lang. Lol. Kaya ko ba? Haha.
Nung Miyerkules, wala kaming pasok dahil sa malawakang NCAE na 'yan. Umpisa pa lang nag-aaya na ako dahil tutal 17 naman 'yun, eh magandang maggala. Haha. So, naggala naman kami. Noong una, dapat Robinsons ata ngunit nagbago ang lahat dahil di nakasama si Jomelle. Ahw. Ayun, napadpad kami sa SM Bacoor. Kasama si Neil, Pauline, Issah, Lenisse, Renn, Paola, Eugene, Kathrina, April (sorry kung may nakalimutan.) eh nanood kami ng AGent X44! 'Yung post na sinasabi ko sa inyo, tungkol doon 'yon. Hehe. nagarcade din kami at ayun, umuwi na din. Hehe.
Kinabukasan, Huwebes, ay ZLL namin. Kaya sadyang kay palad ng batch namin sa NCAE na 'yan. Sa wakas naging swerte rin ang batch namin sa mga bakasyon. Hehe. nagbigayan na din ng report card. Sa kabutihang palad, may White Card pa din ao at exempted ako sa Math! Yehey. Apat na subjects ang kukunin ko sa huling Quarterly Exams. Nakakalunkot isipin na an apat na iyon ay yaong mga ayaw kong aralin at mga inaaral ko talaga. Hai. Buhay nga naman. Hindi ko alam kung anong top ako pero, bahala na si batman. 91.1 ang average ko. Sa average, dapat ata yellow card ako. Pero dahil may unitsa units, natakot tuloy ako magtanong. Pero, sabi ng nanay ko, linawin ko daw. Fine. Good luck sa akin. Hehe.
Biyernes naman, gumimik ako kasama ang nanay at ang mga kaopisina niya sa Tagaytay. Ang saya nga eh. Iniwan ako ng tatay ko sa Starbucks mag-isa dahil lang gusto ko talaga makasama nanay ko. Piyesta kasi pupuntahan ni daddy eh. Hehe. So ayun, napagastos ako ng dalawang daan tuloy. Isang daan lang acutally kasi nagbigay naman tatay ko ng isang daan. Nag-order ako ng Choco Frappe at Cinamon Roll. Akalain mong mag-order ako ng Frappe. Ang lamig pa naman. Grabe. As in malamaig. Oo, malapit kami sa Tagaytay at madalas din kami doon pero ewan ko ba kung bakit di ako nagdala ng jacket. Napaka engot ko talaga. Haha. Basta malamig doon. At alam niyo ba, nakapasok akong Casino? Muaha. Mukha ba akong 21? My Gahd. Di ko alam kung maiinsulto ako o matutuwa eh. Lol.
Ngayon naman, naggala kami. May ginawa kami sa Meadowood. Tapos nung hapon, nagswimming kami nila Neil, Joshua, Patricia at Benedick. Nauwa namin kami sa pagswiswimming. Ewan ko ba. Ilang beses nga lang ako hinulog ni Toledo. Eh my Gahd. Ano pa naman! Haha. Shh sa inyong apat. Lol. Tapos ng swimming, nagSM na lang kami ni Neil. Bumii ng Fruitas at pagkatapos eh naglaka-lakad napagod a umuwi na si Neil Ako naman pumunta ng Meralco. Tapos ayun, nandito na ako sa bahay.
Pasensya na kung walang kwenta 'to. Hehe.
---
Si Agent x44 ay si Vhong NavarroIsa siya sa aking paboritoPamelamela Wan Don RomantikoD Anoders at Chickboy pinanood koSabihin niyo ng korni itoPero korni ang gusto koKahit papano natatawa naman akoEnjoy din dahil kaibigan ang kasama koSa bawat indak niya napapasunod akoPara bang napapakembot ako ng todoMinsan nga sagad pa sa butoAng mga eksenang nakakalokoSa susunod niyang palabas manonood akoIsasama ko si Eugene na hindi mukhang kabayoPareho sila ni X44 na gwapong gwapoKaya siya ang pipiliin kong makasama sa teatrohaha. wala akong magawa.
Labels: compañero compañera, escapade, famous-tache, la familia, lala-MALL-an, offlife, school-rama
|
LEFT AT 5:44 AM
Tuesday, January 16, 2007
TADHANA
Noong nakaraang Linggo, nagpunta akong Ateneo para magtake ng Qualifying Exams para sa kanilang Ateneo Junior Summer Seminar (AJSS). Nag-aral ako ng Kemistriya pero di siya lumabas. Sana pala Matematika na lang inaral ko. Madaming mga estudyante ang nagsidalo. Kung iisipin ko, alam ko hindi na ako makakasali. Una, sang damukal ang sumali. 40 atang estudyante sa isang silid at naka 28 ba o ano 'yung silid aralan. At isa pa, 'yung mga kasali doon ay mga Top 5 ng eskwelahan nila. Top 70 ang kukuhanin. Asa pa ako. Hindi naman ako kasama Top 5 eh. Pero, sana pa din makasama ako.
Ayun, shinare ko lang 'yung mga nangyari.
---
Siguro nga hindi tayo tinadhana
Siguro nga di dapat tayo magkita
Siguro nga wala ng katuturan pa
Ang paghihintay ko sa wala
Nasa iisang lugar na tayo
Hindi pa tayo nagkatagpo
Sa ilang libo ba namang tao
Ikaw ay makikita ko
Sana susunod na pagkakataon
Makita na kita
Doon ako ay babangon
Mula sa sinumpang kahapon
Labels: Broken, offlife, school-rama
|
LEFT AT 4:19 PM
Friday, January 12, 2007
TUNE MY HEART
Ang pinakawirdong layout na ginawa ko. Sa totoo lang, nawiwirduhan ako sa nakalagay sa taas. Alam ko may mali, pero di ko mawari. Lol. Para lang naman mabura ko 'yung year-end special na layout ko kaya ko 'to ginawa. Haha.
Ayun. Gusto ko lang sabihin na may bago akong LO. Badtrip nga pala dahil di kami manonood ever na ng Pyro Olympics. Animal mehn. Hai.
AJSS qualifying exams na sa Sunday. Makikita ko na din 'yung kaibigan ko daw na taga Aussie. Mag-aaral kaya ako?
Sige. 'Yun lang. tcGB. ^^.
|
LEFT AT 5:06 AM
Thursday, January 11, 2007
UPDATE LANG
Gusto ko lang mag-update. Wala kasi akong magawa. At masasabi kong maswerte ako dahil wala akong ginagawa. Hehe.
Noong January 9, isa siya actually na ispesyal na araw. YAKI DAY kasi. Naks. Yaki ay isang groupo na binubuo ng limang miyembro ( paola, kathrina, carla, mina at ang inyong linkgod). Basta sikret na namin kung bakit yaki. Haha. Si Paola nakaisip noon. Sikret na lang din siguro kung paano nabuo ang aming grupo. Basta masaya kami sa piling isa't isa. Pagkakaalam ko ah. Haha. Nakakatuwa kasi binigyan kami ni Kath at ni Paola ng cetificate. Natuwa naman ako dun!
January 10, wala lang naman. Isang normal na araw.
January 11, ngayon un diba? Ayun ZLL at buong araw atang nagpractice ng cheerdance. Naku. Mukhang madami na silang nagawa. Sana lang makacatch-up pa ako. Bakit? Eh kasi naman napullout kami para sa Scrabble Tournament. Actually, ako lang ata 'yung napull-out ng ganun katagal. Kasi lagi ako panalo. Lol. Yabang eh. Eh basta kasi kami na lang sa seksyon namin ang di pa naglalaban. So nakipaglaban ako dun sa ibang representative ng group (w/c is Rojane and Rowen). Tapos, dahil nanalo ako, nakipaglaban ako kay Carmela dahil siya yung nanalo dun sa 2nd match nung sa seksyon namin. Nanalo ako with "el". Nakakatawa talaga. Feeling o tuloy, destined ako. Lol. Pero sa huli, di na ako nagwagi. 'Yun pa naman 'yung kapag nanalo ka, dinner and movie with our school directress. 'Yun nga 'yung inspirasyon ko eh. Makasama sa isang hapag kainan si Dr. Suarez. Kaso di natuloy. Nag-iisip pa naman na ako ng mga salitang banyaga na maaari kong sabihin sa kanya. Ngunit naudlot ang aking pangarap dahil kay Ariel. Siya ang nanalo sa lban namin nila Patricia.
Ayun. Wala lang talaga. Gusto ko lang magbalita.
Siya nga pala, mga nagpapalink exchange, kung maari eh tag uli kayo sa tagboard kasi di ko na namanage simula nang ako ay nawalan ng computer. Kaya ayun.
Sige. Dito na lang.
Eto na pala yung mga gift.




thanks uli. a mga di ko nailagay. sorry. xc
|
LEFT AT 1:42 AM
Monday, January 08, 2007
SENSELESS.
After the long break, Im finally back. Sa wakas. Ang dami kong gustong ikwento kaya baka mahaba-haba ito. So kung babasahin niyo pa, sobrang appreciation ang dapat ko talagang ibigay sa inyo!
Sa totoo lang, nakalimutan ko na kung ano nga ba ang ginawa ko noong linggong pagkatapos ng Pasko at bago mag New Year. Siguro nasa bahay lang ako noon buong magdamag. Nanonood ng tv at nagtetext. Wala kasing kompyuter, NASIRA. Yes. Nasira po siya kaya napakatagal kong nawala sa blog-o-sphere. Navirusan daw ito at nung Biyernes lang siya bumalik. Nakakalunkot talaga. Di ko na nga naipamigay ng lubusan ung testimonial na ginawa kong pangpasko sa mga kaibigan ko sa Friendster eh. Hai.
Noong bisperas ng bagong taon, wala naman kaming masyado ginawang ispesyal. Ganoon pa rin, nagsimba kami, hinintay ang paghihiwalay ng taon, sumigaw, tumalon, nagsindi ng mga kandila, binuksan ang mga bintana at ginawa ang mga taon-taong ritwales na ginagawa namin tuwing sasapit na ang Bagong Taon. Pero ang unang araw ng aming 2007 ang naging sadyang kakaiba. Usually, bumibisita sa amin ang lolo, lola, tita at tito ko sa father's side tuwing ika-1 ng Enero. Pero sa taong ito, naging sadyang kakaiba.
Pumunta kami sa ABS-CBN upang manood ng homeboy. Isang oras lang ang tulog ko dahil kay Boy Abunda at higit sa lahat sa kakaisip ng mga Ingles na salitang maari kong sabihin sa isang dating kaibigan na mulang Australia (pero di na natuloy ang aming pagkikita. Nakita niya ako pero di ko naaninagan ang mukha niya masyado dahil inaantok na ako pagdatoing namin sa Bulacan. Cute kaya siya? Nalimot ko na eh) Pinanood namin ang live episode ng homeboy noong January 31. Sa mga nakapanood ng kanilang show noong January1, paniguardong nakita niyo ako lalo na ang mga magulang ko. Ayaw ko ng ielaborate pa ang mga nangyari. Tinatamad na din kasi akong magkwento. Abanagan niyo na lamang ang mga larawan sa aking Multiply Site. Basta sinisugurado kong naging masaya ako sa araw na yun dahil nakita ko sila Kim Tiu, Gerald Anderson, Maja Salvador, Yeng Costantino, Matt Evans, Melissa Ricks, Makisig, Maya, Rustom Padilla, Pokwang, Joross Gamboa, Candy Panglinan, Sam Concepcion, Terrie Cua. Sana maulit muli ang karansang iyon at sana madami pa akong makitang artista. Nga pala isa pa sa kinasiya ko eh hindi kami pinagbumtarat tarat sa harapan ng kamera. Kung hindi, IM DEAD.
Sumunod na araw eh nasa bahay lang ako at gumawa ng mga bagay bagay na kailangan namin sa iskwelahan pagpasok. Tama, ika-3 ng Enero ang unang araw ng klase namin sa taong 2007. Wala din namang masyadong mga nangyari sa linggong iyon except na lang nung nakaraang Sabado.
Noong nakaraang Sabado eh nagpunta kaming Festival Mall. Sinelebrate kasi namin ang kaarawan ni Patricia. Alam ko first time namin tong cinelebrate. January 2 kasi bday niya lagi walang pasok at tuwing nagbabalak kaming maggala eh nauudlot. So yehey for us. Hehe. Kumain kami sa teriyaki boy at pagkatapos eh nag X-site ( xcite? ) na kami. Basta masyado kaming naadik sa rides at pagaarcade. Sayang di kami nakapag funhouse. Huhu.
Basta yun na lang muna. Bigla akong nainis. Hindi ata o mahaba. Walang sense. Papakita ko na lang mga gift. Salamat sa mga nagbigay. mahal ko kayo. ung layout ko sa susunod na lang nagisismula na namang maging busy-busyhan sa buhay buhay.
Next time na pala yung gifts. nagloloko net. basta salamat sa lahat ng nagbigay ng regalo. tcGB.
Pasensya sa napakawalangkwentang post. xc
|
LEFT AT 4:59 AM