Thursday, December 21, 2006
PASKO NA DUDE
WARNING : ISANG MAHABANG ENTRI.
Malapit na ang Pasko. At naging napakabusy ko. Haha. Abvious naman diba? Kay tagal kong hindi nagpost ng entry. Pasensya sa mga fans ko na nag-aabang. Aisoos. Asa ka Alyanna. Haha. Anyway, ayun wala naman masyadong nangyari. Actually madami, busy nga ako diba? So ibig sabihin madaming nangyari. Haha.
Basta Quarterly Exams last week. Last day ng Tests ay Thursday. After ng exams, gumala kami ni Neil. After ng klase eh nagcommute kami papuntang SM Bacoor upang magbilihan ng mga kulang na regalo. Actually, ang kulang na lang niyang regalo eh sa crush niya at sa akin. At ako naman, siya na lang yung kulang. So in short, nagpunta kaming SM para bumili ng regalo sa isa't-isa. Sandali lang kami actually nagkasama. Haha. Sandali nga ba? Hmm. Siguro mga dalawa hanggang tatlong oras. Pagkabili niya ng regalo ko umuwi na siya. Nakita ko yung bigat niya. Haha. Pagkatapos niya akong iwan ay biniyayaan naman ako ng Diyos ng kasama. Si Paola. Haha. NagQuatum lang ako ng mga sandaling magisa ako at nang dumaitng si Paola ay hindi na ako kailanman nalumbay dahil sundsunuran ng dumating ang mga kaibigan ko. Nabudburan ng Setonians and SM ng mga panahong yaon. Marahil lahat sila ay namimili ng regalo dahil kinabukasan nga noon ay Christmas Party namin. Ayun, nakadeyt ko din sila Eugene, Rowen, John Yu at Ate Trixie. Yaong mga lalaki ay tinulungan kong bumili ng mga regalo para sa kanilang mga minamahal. Kaya mga babae ng mga nasabi kong lalaki, naway nagustuhan niyo ang bigay nila. Kasama ako sa pagpili eh. haha. Di kasama 'yung babae ni John Yu ah. haha. Teka, kilala niyo ba kayo? Masyado ata akong natutuwa. Basta. Gabi na ako nakauwi kasi kung saan-saan pa pumunta ang mga magulang ko. Kaya ayun. Anong resulta? Edi alaskwatro ako natulog. Nagpuyat sa pagbabalot ng regalo, paggawa ng modyul at pag-ayos ng exchange gift. Bti na lamang at alasnuebe pa ang party. Nagising ako ng alasiyete. So bale tatlong oras na tulog lahat. At take note. Hindi mahimbing ang pagutlog na iyon. Ginambala ako ng ingay ng mga taong naggising ilang sandali bago ako matulog.
Kinabukasan eh Christmas Party na nga. Madami naman akong natanggap na regalo. Kahit papaano eh tumubo ako ika nga sa business. Naging masaya naman ang Christmas Party. Maayos naman ang Exchange Gift ngunit di ko na ito naasikaso ng maayos dahil masyado din akong bisi sa pagasikaso sa pagkain namin KFC dahil ako din ang nakatoka noon. Sa mga panahong ito eh naramdaman ko ang pagiging Presidente ko. haha. Matagal-tagal ko din ito ng huling maramdaman. Pagkatapos ng Christmas Party eh umalis ang ilan sa mga kaibigan ko at nagtungong SM. Ako naman eh umuwi na dahil wala na akong pera at hindi ako papayagan malamang at gusto kong matulog dahil may simbang gabi pa sa gabing iyon kaya pinili ko na din kahit papanong matulog ng napakahimbing. Kaso kung kelan naman ako natulog eh tumawag ang isang importanteng tao sa buhay ko at hindi ko nasagot dahil nga masyado akong tulog. Sa araw din nga na yon eh ang umpisa ng aking simbang gabi. So far, wala pa naman akong absent. Mabuhay ako. Haha. Last Year nakumpleto ko din. Naway matupad muli ang aking mga kahilingan.
Sabado naman ay sumama ako sa nanay ko sa opisina nila dahil balak kong panoorin ang aking mga kaibigang si Kebin at Andre na tumugtog sa SM. Akala ko nung una sa gitna sila tutugtog ngunit sa Cinema 6 pala. Sosyal. Haha. Graduation ng Kumon Advance achuchuchu. Napakatagal kong nag-intay bago sila matapos dahil sankatutak ang bronze medalist. Iba't ibang lebel at iba't ibang mga centers. My gulay. Ng matapos silang magperform eh umalis na din kami sa Cinema 6. Nagquantmquantum lang ako at di kalaunan eh naresib ko ang teks ni kevin na nanatili pala siya sa SM. Nilibre niya ako ng Max's dahil nanalo ako sa pustahan nami dati. Haha. Salamat Kebin. Napakagalante mo talaga.
Linggo naman eh wala naman atang nangyari. Nasa bahay lang ata ako. at nagsimba sa gabi Siyempre.
Lunes naman eh opisyal na nagsimula ang aking bakasyon. Walanja nga lang. Brown out halos buong magdamag. Nang nagkaroon na ng kuryente eh magsisimba na kami. Ayan, tiyansa ko na sanag kumunek sa internet world pero ano ba naman. BROWN OUT. Haha.
Kinabukasan naman ay Martes. Sumama ako sa nanay ko sa ortigas dahil magshoshopping sila at nagbabakasakali rin akong makatagpo ng mga ninangat ninong sa Main Office ng Meralco sa Ortigas. Kaso wala. WALA AKONG NAKUHA PERA. Nawala ang mga ninong at ninang ko. napunta sa mga bracnh yaong mga galanteng nagbibiay ng limang daan. Meron pala akong nakulimbat. 150 mula sa ninang Gigi ko. Salamat sa'yo ninang. Tapos sa Meralco eh nagpunta kaming greenhills at namili tapos eh sa Robinson Galle. Nagpaderma ang sosyal kong nanay habang ako naman eh nagaarcade sa katabing arcade ng derma clinic. Alam niyo bang nagvideoke ako!? Haha. Kahihiyan. Ganun siguro pag magisa ka. Malakas ang loob mo.
Kinabuksan Miyerkules eh kaarawan ng nanay ko. Nagpunta kaming Batangas at dinalaw ang mga lolo at lola ko. Natulog lang ata ako dun dahil lagi akong puyat sa walan kadahilanang dahilan. Ano daw? Tapos nagsimba kami sa gabi. Lagi naman eh. Sabi ko nga, wala pa akong absent ni Late. Yeyeye!
Sa wakas, dumating din ang araw ng Huwebes. haha. Gumising kami ng maaga, 7.30. Maaga un ah. Kasi nanay ko gusto salubungin ang pagbubukas ng MOA eh. Di nama natuloy. Dahil nahiga lang kami at nanuod ng telebisyon ng ilang oras at kumilos lang ng mga alasdiyes ata o alas onse. Haha. Kaya ayun, nakarating kami sa MOA magaalauna. Di pa kami naglunch kaya kumain kami sa Teriyaki. Madami na naman akong nakain. Ang hirap tuloy magpaliit ng tiyan. Haha. Naka 50 ata kami o 750? Tatlo lang kami ah. Haha.Isipin na lang namin kasama namin si Daddy. Pagkatapos eh namili na lang kami. Masyado ata kaming nawili at napabili kami ng dalawang asong stap toy na malaki na worth 300 dahil may SM Advantage ang nanay ko. Nakalimutan naming wala kaming sasakyan at magkokomyut lang kami pauwi. Haha. Pero namili pa rin kami. Iba ang may 20000 gift check eh. Haha. Di na naman kami natuloy ng Imax. Bwisit. Haha.
At ayun, natapos na ang lahat. Bukas ko na lang ( o baka mamaya kasi alauna singkwenta na ng madaling araw ) ilalagay ang mga kaisipang naisip ko sa mga nagdaang araw. madami - dami din yun. Bukas na lang din ( o mamaya ) yung mga pamasko ko sa inyo lahat ng nasa links ko at mga bisita. Haha. Kasi gusto ko ng matulog.
Ayan. Ang haba talaga. Di na ako magiiba ng kulay sa ibang salita kasi tinatamad na ako. Sige ha. Nga pala bago na layout ko. Year-end special. Pagkatpos ng unang linggo ng Enero eh papalitan ko na yan. Callalily uli? Ewan.
Sigesige. BB.
LEFT AT 9:19 AM
|