Wednesday, November 29, 2006
REMING = LONG WEEKEND
Bagyong Reming is coming to town kaya walang pasok ngayon. Means
long weekend kasi wala ding pasok bukas. Super Typhoon daw siya. Di ko alam kung masisiyahan ako o hindi. Una, madami kasi na kaming namiss. So ibig sabihin, mas lalo lang kaming maghahabol. Err. Next next week na kasi ang Quarterly Exams. Nakoo. Huwag naman sana maulit 'yung nangyari nung kay Bagyong Milenyo na inurong ang Quarterly Exams. Kasi kapag inurong nila 'yun, ibig sabihin, urong din ang Christmas Break! No way! Hindi maari. Ayaw ko nga. Wish ko lang umulan dito sa amin para hindi masayang ang pagsuspend ng klase. Pero sana huwag namang magbrownout. Kasi ma-araw dito eh. Shinashare ko lang naman.
Wala namang nangyari sa mga nakaraang araw. Nagbigay na naman ng rason ang isang teacher namin para kainisan namin siya. Ano mang willing kong magbago ng pananaw para sa kanya, siya ang nagbibigay sa amin ng rason para kainisan siya. Nako.
Naayos na din ang ilan sa mga problema ko. As of now, minor problems na lang ang meron ako. Err. Napaka ano ko kasi. Hahai. Ayaw ko na ng ganito. Heck.
---
" question. ano ang importance ng pgkpnlo mu s poll n yan?!?!?! " - tita janine
Nagkakalat ako ng mga group message na iboto nila ako ng itanong 'yan sa akin ng isa sa mga tiyahin ko na kasing edad ko naman. Sa toto lang, napaisip ako. Kasi hindi ko alam kung papano sasagutin dahil kahit kahit kailan di ko alam ang ibig sabihin ng "importance". Ilang beses na din akong tinatanong ng tanong na may "importance" at di ko talaga alam kung papano sasagutin. Pero nasagot ko naman ata si Tita Janine. Hehe.
Ang sagot ko, for self satisfaction and para masaya. Isang bagay na ibabahagi ko sa inyo, isa akong mababaw na tao. Madali lang akong mapasaya, at madali ding mapalungkot. Simpleng bagay lang para sa iba pero malaking bagay na para sa akin. Simpleng mga text message, sulat, ngiti, yakap, "hello", "hi", "thank you" at kung anu-ano pa, sasaya na ako dun. Simpleng irap, di pagpansin, deadma, di pagreply, at kung-anu-ano pa, malulunkot na ako. Sabi nga nga mga yaki ko, mababaw nga ako. Yakisobra nga ako eh. Kasi crybaby ako, pero sa tamang dahilan lang. Di naman 'yung konting echos lang, iiyak na ako. Kaya itong award na "Filipino Blog Of The Week" ay isang bagay na sobrang makakapagpasaya sa akin. Dito, kahit papano, masastisfy ko ang sarili ko. Aaminin ko, wala akong perpektong buhay. Hindi ako laging masaya, lahat naman tayo diba. Kaya 'yung FBOTK na 'yun, kahit papano at least pagnakikita ko, nagbibigay ng ngiti sa akin. Shinashare ko lang naman. Baka kasi gusto niyo ding malaman.
Di nama ako nagpapa-awa dito. Gusto ko lang ishare. Wala kasi akong maisulat. Kung sa tingin niyo, hindi ako karapt-dapat iboto, then don't vote me. Pero kung sa tingin niyo, karapat dapat, edi vote niyo ako. Masaya 'yun. :)
LEFT AT 5:52 PM
|