Sunday, November 26, 2006
JAY SUNDAY
Wah. Grabe. Kakatapos lang ng Academic Week pero ang dami pa ring kailangang gawin. Ang dami pang problema. Good luck na lang sa akin. Hehe.
Well, as usual Linggo ngayon, so nagpunta kaming simbahan bilang pambungad sa araw. Christ The King nga pala ngayon so ibig sabihin, next Sunday, First Sunday of Advent na. Lapit na talaga magPasko. Wah.
Pagkatapos namin magsimba, nagpunta kami sa kung saang lupalop ng Baclaran. Basta sa kinaroroonan ng
Optique Prima. Sandali lang daw kami doon at sandaling matagal nga kami. Mas matagal kasi sa ineexpect kong sandali. Sana nagets niyo. At pagkatapos nun, nagpunta na kami sa SM Mall Of Asia.
Sa wakas. Matagal-tagal din kaming nakarating sa
MOA kasi traffic dun sa lupalop ng Baclaran na 'yon at kung saang lupalop pa uli kami napunta. Si Daddy kasi eh. napaka adventurous at mukhang sa kung saan-saan pa kami nakapunta. Gutom na gutom pa naman ako ng mga panahon na 'yun. Hai. Tapos pagdating namin ng MOA, puno ang lahat ng restawran na nakikita namin. Sabi ni Mommy, sa David's Tea House na lang daw. Sabi ko naman, huwag naman doon kasi parang kumain lang din kaming Cavite eh nagpunta ngang MOA para kumain edi dapat sulitin. Sana nagets niyo uli ako. Pero alam niyo ba kung saan kami bumagsak? Sa
French Baker! Ok na sana eh kasi magstarbucks naman sana ako para sa inumin pero naudlot. Nainis kasi ako kay Daddy dahil masyado siyang madaming tanong. Eh ayaw ko pa naman nung mga oras na ;yun ang madaming tanong. Badtrip kasi ako lagi ngayong mga araw na 'to. Hai. Tapos ayun nga, umorder ako ng Chicken Teriyaki pero di pala siya masarap kaya nakipagpalit ako sa Daddy ko ng food. Beef Teriyaki sa akin. Masarap 'yun sa pagkakaalam ko kasi natikman ko na 'yun kamakailan lang pero tila di nagustuhan ng taste buds ko sa mga panahong iyon. Nalungkot tuloy ako at nainggit sa kapatid ko dahil masarap ang kinakain niya. Tapos ayun, pagkatapos namin, nagpunta kami ng kapatid ko ng NBS para bumili ng sketch pad at crayons.
Tinatamad na ako magkwento ng ilan pang mga bagay na wala namang katuturan kung ikwkwento ko kaya ikukwento ko na kung ano ba talaga yung gusto kong ikwento. SO MAGKWENTUHAN NA TAYO.
Papauwi na kami at kumakanta ako ng Ambisyoso na kinanta ng Kamikazee. "
Libre lang mangarap, walang humpay na paghiling .. " Tapos ilang sandali, nakakita ako ng lalaking mahaba ang buhok at tila kilala ko, ng mapansin ko nalang na kinakalabit ko na pala ang kapatid ko sa sobrang saya dahil nakita ko ang bokalista ng idolong niyang bandang Kamikazee. Nakita ko si
Jay Contreras! Ayon sa kapatid ko, kasama niya si
Bordz. Nakita ko ding nagkita pala sila ni
Giselle Sanchez pero di ko pinansin si Giselle at si Bordz. Bigla ko kinuha ang camera ko sa tatay ko at tumakbo papunta kay Jay at tinanong kung pede ko ba siyang picturan kasama ang kapatid ko. Eto, ilalagay ko na lang 'yung mga sinabi ko sa kanya na sobrang kulit. Hehe.
yanna : pede ko po ba kayo picturan kasama yung kapatid ko?jay : o sige. o sige.yanna : ay nawala siya kayo na lang po pala.jay : o sige.yanna : ay against the light po!jay : o ganito na lang. :)yanna : ayan salamat po! ay andiyan na po pala sya pede isa pa?jay : o sige! :)ayan nga. kamusta naman ako? Naglakas ng loob akong tumakbo at kunan siya ng picture para sa kapatid ko. Mabait akong ate noh? Hehe. Noon lang 'yun. Grabe. Mukha akong engot. Ang cheap ko ata? Haha. Whatever. Nakakatawa talaga. For the first time kaaptid ko ang nagpapicture at hindi ako. Di ko kasi sila sobrang gusto. pero gusto ko sila. Buti sana kung taga 6cycle, Callalily, Hale o Spongecola un. Haha. At kamusta din naman ang pagdedma ko kay Bordz at kay Giselle? Di ko sila kilala eh. Malay ko nga na nandun si Bordz eh. Si Giselle lang 'yung kilala ko at nag-uusap pa sila tungkol sa Make-Up Artist. Hehe.
Tapos ayun umuwi na kami. Habnag nasa sasakyan. Nagpicture picture kami ng kapatid ko at pinicturan niya ako ng mga baboy na kuha. Kumakain kasi ako at ang baboy ko ng mga oras na yun. Hehe. Basta medyo masaya ang araw na ito pero di pa rin ako nakalimot sa mga problema. Sana mawala na sila. Well, huwag naman pala. Kapag kasi wala ng problema, patay na eh. Ayaw ko pa naman mamatay. Hehe.
Sige sige. Salamat sa mga nagkomento sa aking Layout. Hihi. :)
LEFT AT 4:54 AM
|