Wednesday, December 06, 2006
UNLUCKY 9
MENTAL BLOCK. Nangyari na ba iyan sa iyo? Kung ako ang tatanungin mo, OO. Kahapon lang nang mageksamin kami sa Matematika. Nakakainis isipin na sa lahat pa ng pagkakataong mamemental block ako eh sa paborito ko pang asignatura. Isa pang nakakalungkot eh ang dali niya ngunit dahil nakalimutan ko ang pormula sa pagkuha ng measurement ng angle sa pammagitan ng law of cosines, eh hindi ko tuloy nasagot. Sa totoo lang, unang beses mangyari sa akin ang ganoong kalalang mental block. Nanginginig ang buo kong katawan at tila ba nalilito kung anong gagawin. Sinubukan kong gawin ang pag mamanipula ng orihinal na promula pero hindi pa rin gumana. Pesteng square root 'yan. Tuloy, bagsak ako. Sa isang hindi risonableng kadahilanan. Hindi sa grade conscious ako pero mahalaga talaga para sa akin ang asignaturang Matematika. Nais kong hindi kumuha ng huling pangkapatang pagsusulit dito dahil ayaw ko na talagang mahirapan kung kaya't nagpupursige akong makakuha ng mga matataas namarka dito. At isa pa, nakakainis kasing isipin na alam ko naman talaga dapat 'yung sagot dito pero namental block nga ako sa di malamang dahilan. At isa pa, kung kelan ko nakuha na ang tila tamang solusyon eh TIME'S UP na. Tadhana nga naman. Sa huli, nakakuha ako ng
NINE/20.Kani-kanina lang naman eh nagkaroon kami ng isang pang-upuang gawain sa Kemistriya. Nakakainis dahil hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi kami pinayagang tumingin sa Periodic Table na sariling gawa namin. Hindi ko tuloy alam ang mga charge ng mga pormulang ibinigay sa amin. hindi ko din alam kung metal ba o hindi metal ang mga kombinasyon. Argh. Hindi ko tuloy nasagot ng maayos. May sagot naman ako sa lahat ngunit higit na mas madami pa din ang mga mali ko kesa sa akin tama. Sa huli, nakakuha ako ng
NINE/25O hindi ba't tila nakakatawang isipin dahil lahat ng mga marka ko ay NUEBE. Puro pa hindi pasado. Pero tila nagbigay ng kaunting pag-asa ang NUEBE pagdating ng klase namin sa Ingles.
Nagkaroon naman kami ng pagsusulit sa sumunod naming klase. Sa totoo lang, gusto ko sanang itama lahat ng numero dito ngunit tila hindi na naman ako pinagbigyan ng pagkakataon. Bakit ko gustong iperpek? Kasi naghihingalo na rin ang grado ko sa Ingles. Nakakalungkot pero nakakatuwa naman dahil kahit papano, isan pasadong marka ibinigay ng nuebe sa akin. Nakakuha ako ng
NINE/10. Whew.
Well, sa tingin ko nga ay hindi sa akin pwede ang LUCKY 9. Unlucky 9 nga naman.
LEFT AT 4:25 AM
|