Friday, November 24, 2006
BEROVA
Hai. Tapos na ang
Academic Week at nakakalungkot. Ayaw ko pang magkaroon ng normal na klase sa Lunes. Nakakatmad pang pumasok. Tinatamad pa akong makinig sa mga guro. Nakakatamad lahat. At nakakatamad ding pumasok ng alam mong may isang tao kang makikitang parang walang pakialam sa pagkakaibigan niyo. Niek. Drama. Hehe.
Well, ayun nga.
Computer Day ngayong araw. Natadtad lamang kami ng mga high-tech na seminar. Puro tungkol sa mga makineryang tinatawag nating computer. Di naman ako masyadong nag-enjoy eh. Pero natuwa ako sa speaker kasi natatawa ako sa kanyang pagsasalita ng Ingles. Pagkatapos ng recess, nagkaroon muli ang Berova ng isang intermission number.
Ngayon,
Nobyembre 24, 2006 ang opisyal na pagkakatatag ng banda namin. Haha. Meron na kaming bahista at drummer. Dati tatlo lang kami pero ngayon, kumpleto na. Yehey. Si
Paola sa gitara, si
April sa pangalawang boses at gitara, Ako sa pangunahing boses, si
Kevin Caballas ang astig namin bahista at si
Renz, ang aming mahiyaing drummer boy. Paano kami nakumpleto? Well, pasasalamat namin ito sa isang babaeng nagngangalang
Kathrina Mendoza. Yeah. Sinabi niya kasing kunin namin si Renz Tabil bilang aming drummer at nasabi na lamang namin na "oo nga noh!". At sa kabutihang palad, pumayag naman siya. Kaya ayun, opisyal ng nabuo ang BEROVA. Haha. Basta. Nakakaaliw. Sa intermission number nga pala, kinanta namin ang aming sariling komposisyong may titulong
" IKAW LANG ". Naaliw naman ako. Kaso.. hai.
Pagkatapos ng seminar na yun, pinakita naman ang iba't-ibang mga
webpage na ginawa ng ikatlo ang ika-apat na taon. Ang ganda nung sa anthro, physio at eco. Siyempre pati sa amin. Isama mo na din ang socio at anatomy.
Pagkatapos ipresent ang mga webpage, lunch time na. Pagkatapos ng lunch time, preparation for the
pocket seminar naman. Kami naman ang magpaapseminar. Nagtulungan na naman ang Archaeology at masasabi kong ngayon, naging productive na talaga ako. Nagkaroon lang kami ng mga problema, at maingay na naman kami. Pagkatapos, uwian na. Tapos, aun. Tapos nagpaiwan ako at nanood ng IT Olympiad at nanalo na naman sila Mia. Tapos ayun. Hai. Basta 'yun.
Pasensya kung boring. La lang. Ayaw ko pa magnext week.
LEFT AT 5:19 AM
|