Hai. Ilang araw na lang at tapos na ang maliligayang araw ko. Babalik na naman ako sa aking pinakamamahal na paaralan at babalik na naman sa pagiging estudyante.
Dati rati naalala ko, sa tuwing dadating ang 1st Day High eh excited na excited ako lagi. 'Yun eh nung pre-school ako hanggang sa 1st yr. Pero ngayon, siguro masyado na akong sawa sa pagpasok sa skul na hindi na sapat ang mahigit 3 buwan na pagbabakasyon para mangulila ako sa aking pagiging estudyante.
Wah. Masyado ata akong nalulungkot at pasukan na naman. Eh kasi naman, SENIOR na ako. Kinakabahan din kasi ako at sa totoo lang, may parte sa akin na ayaw pang matapos ang pagiging HAYSKUL STUDENT ko. Bahala na talaga si GOD sa studies ko sa taong ito. Sana makalusot pa din akoat makuha ang pinaka aasam kong medal na hindi ko nakuha nung grade ako dahil sa mahal kong sabjek na Science. Hahai.
Ayun. Good luck sa akin. At good luck din sa inyo.
DATI.
" mainit na. summer na. bakasyon na. "
NGAYON.
" umuulan na. tag-ulan na. papasok na tayo . . "
Labels: G is great, lame-o, offlife, perosnal-ititch, school-rama, SEÑORita
LEFT AT 8:30 PM