Monday, February 19, 2007
NASUG-BOO
Hello uli everyone. Ako'y nagbabalik matapos ang anim na araw. Haha. Naging masalimuot ang aking Valentine's Day. Gusto ko lang sabihin. Pero naligayahan ako kahit papano dahil walang mga lessons. Teacher's Day kasi. Well, at least diba? Hindi masyadong sobrang lungkot.
February 15, naging isang napakabusy na araw. Nag room to room campaign (diba nga kumakandidato ako for Treasuerer), training (biglaan ito), nahuli kami (ahem), at nagshooting kami. Nakakatuwa ang araw na ito kahit nakakainis. At least naransan ko bago gumraduate ng HS ang masangkot sa isang gulo. Malas nga lang at 3rd yr pa ako. Sana hindi maapektuhan ang aking standing. Hehe. Buti nalang di nagalit mga magulang dahil naintindihan nila ako. Siyempre di niyo ako masyadong nagegets noh? Naku. Ayaw ko ikwento dito kasi baka kung ano pang mangyari. Pero ang masasabi ko lang, OO NAGKAMALI KAMI. Hindi naman kami perpekto. At hindi namin para sa kasamaan ang ginawa namin. May purpose kami. At sana walang nagcoconclude kaagad. (Tama na nga)
February 16, wala naman. Umusad na tayo sa February 17 at 18. Alam niyo bang dapat nasa Youth Camp ako? Hindi na naman po ako naksama. GREAT hindi ba? Ang tagal na akong niyaya ng mga tao sa YFC at ngayong sa Seton na ginanap ang Youth Camp, di pa rin ako pinayagan. Tama nga siguro si Sir Ecko kanina, hindi ko pa oras. May purpose si God. Sabi naman nila mommy, sa susunod papayagan nila ako kahit sa Boracay pa ito. Haha. Well, bakit nga ba hindi ako nakasama? Kasi nagkaroon ng family affair. Di naman masyadong family eh. Di naman kasi namin kamag-anak 'yun. Basta, birthday kasi ng ninang nila mama tapos nagcelebrate kami noong weekend nga. Dahil meron silang private resort (huwag kayong mamangha. di naman kasi siya resort ata) sa Nasugbu, Batangas, doon kami nagtungo. Nagswimming kami sa dagat. Aaminin ko, natuwa naman ako kahit papano (pero mas gusto ko pa din mag-youth camp). Noong 17, nagswimming kami ng babdang hapon hanggang sa nagpaalam na si Haring Araw. Kinabukasan, gumisin gkami ng maaga at hinintay ang isa pang inaanak ni Ninang at Ninong at pagkatapos eh sumakay kami sa isang motor boat. Dinala kami nito sa isang lugar kung saan maari kaming magswimming ng libre. White sand siya at nakkatuwang may mga coral reefs. Makakakita ka pa ng mga isda. Katabi nga nung pinagswiswimmingan namin ay isang mamahaling resort sa palagay ko. Nang 2.00 na, umalis na kami dun sa isla at bumalik dun sa "private resort". Naligo at naghanda ng umalis. Ang sakit ng ulo ko, nasusuka at ang sait ng tiyan ko pagkatapos.
Sa totoo lang, natuwa naman ako kahit papano. Pero mas maliligayahan talaga ako kung nag Youth Camp ako. Pero ano pang magagwa ko diba?
---
SUNSET
Have you experience watching the sun set in a beach? I tell you, it's such a beautiful view. The orangey ball of fire sinking will amaze you. It will make you realize how fast the earth rotates. You will realize how far can the rays of the sun reach. After you see it sink, the clouds looks like a grill with with lighted coal. It's such a beautiful scenery.
I just experience this and I was so astonished. God is realy the greatest artist of all. He did a great scene for a day's finale. The combination of colors, orange red and white, is so perfect. And most specially, in this finale, he showed a view of the night and day. Above the sun ready to set is the view of the day, and the other half is the darkness of the colors that represents night.
Even upto the last minute of the light, God did show that He is great. He knows how to balance things. And He did show everyone how beautiful he made Earth for us. This happens daily, unfortuantely, only few could see this. This happens daily, but only some appreciates.
Labels: escapade, G is great, la familia, offlife, school-rama
LEFT AT 1:29 AM
|