Wednesday, February 07, 2007
INTRAMURALS
Wah. Pasensya na kayo kung hindi normal ang paguupdate ko. Kasi naman tong kompyuter ko eh. Nakakainis. 'Yug koneksyon kasi sa internet, nagloloko. Bwitre na WiFi.
Kasalukuyang ginaganap ang aming INTRAMURALS 2007. O diba sosyal? Kanina lang nagsimula ito ng pormal. Isa ako sa mga nag entrance of colors at isa din ako sa mga cheerdancers. Madaming nagsabi na maganda daw ang cheerdance namin. Muntik na nga kaming magperform sa lobby eh. Umulan kasi. Dapat naman kasi week ng Valentine's Day 'yung intrams. Mas masaya kaya 'yun. Basta.
Well, kasalukuyang magaganda naman ang laban namin. Nanalo nga pala si Mika (isa sa mga kaibigan ko) na Ms. Intramurals at si Miki na Mr. Intramurals. Parehong galing sa team namin. GO JUNIORS.
Pasensya na sa walang kwentang post na ito. Gusto ko lang ipaalam. Salamat sa mga dumadaan at pasensya na kayo kung di ko nasasagot ang mga tag niyo. Sana magtag pa kayo. Hehe.
GO JUNIORS! ONE BIG FIGHT! (hala. ateneo. haha.)
Labels: athlete's foot, compañero compañera, offlife, school-rama
LEFT AT 4:01 AM
|