Thursday, February 01, 2007
BIRTHDAY
Kay tagal ko atang nawala.Mmasyado kasing busy. At ang tagal magconvert into new blogger. Gumawa na lang ako ng account direkta sa google. Uhm, madami sana akong ikkwento ngunit huwag na lang. Tinatamad ako alalahanin eh. Yung tungkol sa dugtong buhay at birthday ko na lang.
Noong Lunes, lahat ng estudyante ng Seton, pinasuot ng pula. Bakit? Eh kasi, launching ng DUGTONG BUHAY ( blood donating program with PNRC. ) Pinagintermission number nga kami eh. Ang sinayaw namin 'yung sayaw namin nung Sa Yaweh. Hehe. Naexcite kami nung una dahil dadating daw si Lucy Torres ( o si Rosa Rosal ). Ballroom pa naman 'yung intermission namin kaya talagang naexcite kami. Balak namin galingan kasi baka maimbitahan kami sa Shall We Dance. Haha. Kasama din ako dun sa prayer of success. Akala ko nga nun guna magbabasa ako eh. Pero nagbago ang ilan sa mga akala at inexpect namin nang dumating na ang araw na pinakaiintay namin. Hindi dumating siLucy Torres, gayunpaman, ginalingan pa rin namin. Ayaw naman naming mapahiya sa harap ng buong kumonidad ng Seton noh? At hindi pala ako magbabasa. Haha.
Kahapon nga pala, Enero 31, 2007, kaarawan ko. 15 na ako! Shiot. Tumatanda na ako. Nakakalunkot. Hehe. Akala ko nga magiging pinakamalungkot na kaarawan ko 'yun. Kasi naman may isang gulo kaing ginawa ni Pare. Buti na lang naayos. Kasalanan namin 'yung gulo. Kaya kung may makakabasa man nito na apekatado nun, SORRY ULIT TALAGA. Ayun, pero masaya naman siya. Pero di ko masasabing pinaka masaya kahit na binati ako ng crush ko ng "HAPPY BIRHDAY" for the 1st time. Hehe. Mas masaya pa rin talaga 'yung last year. Pinaka nakakatuwang regalo siguro eh 'yung galing kay Mika at Kath. Nung recess, sinorpresa nila kami ni Paola ( birthday din kasi ni Paola. Kung isang taon ka nang sumusubaybay ng mga entries ko, alam mo yan! ). May banner pala silang hinanda para sa amin. Tapos may kasama din itong cake at card. Nakakatuwa talaga. Hehe. Salamat nga pala sa mga bumati sa akin, at sa mga nagbigay ng regalo. Sa mga nakalimot, maraming salamat din.
Ayun na lang muna siguro. Pasensya wala na namang kwenta. Wah. hehe. ^^.
Labels: offlife, perosnal-ititch, school-rama
LEFT AT 4:16 AM
|