Tuesday, February 13, 2007
PARA SA KANYA
Hello everyone. Kung mapapansin ninyo, bago na ang LO ko. Pang Valentine's ba? Haha. Well, well. Whatever. Haha. Di ako masyadong natutuwa kasi ang pangit tingnan sa monitor ko. Haha. Sana sa inyo maganda. Kung mapapansin ninyo, di ko pa binabago 'yung chatbox at haloscan. Wala lang. Si Mr. Katams kasi dinalaw ako.
Hmm. Araw na ng mga puso bukas! Araw din ng mga guro sa aming eskwelahan. Alam niyo bang pinagsusuot kami ng pula? Di ko nga malaman kung para saan ang pagsusuot namin ng pula. Para ba sa teacher's day o para sa Valentine's Day?
Well well well, ano ba naman ang Valentine's day para sa aming mga sawi sa pag-ibig. Ika nga nila eh Broken Hearts Club. Well, ang Valentine's day para sa amin ay S.A.D o Single Awareness Day (nakuha ko 'yan kay Kevin) Tama naman hindi ba? Tuwing Valentine's mafifeel mong isa kang SINGLE. Walang minamahal ( o walang nagmamahal? ), walang katuwang sa buhay, walang kalampungan, walang kalanjutan walang kasintahan. Pero masaklap dito, dito mo din mararamdaman na may mahal na iba ang mahal mo. Makikita mo sila sa kung saang magkasama HHWW pa. O diba? Sakit diba? Dapat kasi wala na lang ganun. Haha. Eh ano pa bang magagawa ko? Pinahintulot na ng tadhana na magkaroon ng Valentine's Day. Magpapaksaya na lang ako at manonood ng mga naghaharutang magkasintahan sa kung saan-saan. Ipagdidiwang ko na lang ito kasama ang aking mga SINGLE FRIENDS. Inuman. Inuman ng softdrinks. Bawal beer eh, kasi may magagalit. Haha.
Sa pagkakaalam ko, tuwing ika-14 ng Pebrero, uso ang love letters. Dito ko na lang isusulat ang love letter ko para kay, itago na lang natin siya sa pangalang TOKTOK.
Minamahal kong toktok,
Ui! Kamusta ka na? Alam mo bang miss na kita? Ang tagal na din nating di nagtetext. Alam mo naman, doon lang naman tayo nakakapag-usap ng matino. At doon lang din naman ako kinikilig sa'yo palagi.
Gusto ko lang malamn mo na andito lang ako palagi para sa'yo. Bilang kaibigan ah! Alam ko namang wala ng pag-asang mahalin mo ako. Duh!? Sa itsura at ugali ko ba namang ito mamahalin mo ako? Alam ko imposible yun. Kaya friends na lang tayo ok? Haha.
Salamat sa lahat ng mga kakiligan na binigay mo sa akin. salamat sa pagtitiis mo sa tuwing nilalanjot kita. Sana lang, huwag kang magsawa sa pagtitiis kasi bakamainis ka na sa akin. Ayun. Goodluck sa inyo ni girlfriend mo. Sana magtagal pa kayo. Alam kong masaya ka sa kanya at masaya ako para sa inyo. Basta tandaan mo nandito akong umibig sa'yo kahit na nagdurugo ang puso. Kung sakaling iwanan ka niya, huwag kang mag-alala may nagmamahal sa'yo andito ako. ( YUCK. ) Haha. Joke lang. Pero sana talaga forever na kayo para naman di na ako uli umasa. Yikes. Ang asa ko. Haha.
Sige. Mag-ingat ka na lang sa future endeavors mo. Lol. Sana hanggang ngayon nag-aalala ka pa rin sa akin tulad nung huling birthday mo. Hehe. Sige. Ingat lagi. Ilabioo mwah!
Patuloy sa pagsstalk,
Alyanna
Haha. Kajokean. Yung iba jan katripan lang. Magpakasaya tayong mga single! Hooray!
Ai nga pala, tatakbo uli ako sa student council. For 2007-2008 naman. Treasurer na ang takbo ko. High School! Sana suportahan niyo ako. Haha. Pati si Neil at Jomelle at lahat ng kandidato. pwera sa kalaban namin. Ay joke. Haha. Peace! ^^.v
Credits to kebin.
Labels: blahh-new, Broken, loveline, offlife, school-rama
LEFT AT 4:58 AM
|