Thursday, July 26, 2007
SINO BA AKO?
Sino ba ako? Isang tanong na hanggang ngayon, hindi ko masagot. Siguro nga, hindi ko pa ganap na kilala ang aking sarili.
"Are there any significant experiences you have had, or accomplishments you have realized, that have helped to define you as a person?"
Nang mabasa ko ang tanong na 'yan, wala akong masabi dahil wala din akong masagot. Pero nang magdaan ang ilang minuto ng pag-iisip, natanong ko sa sarili ko, SINO BA AKO? At tulad ng tanong sa application form ng ATENEO, hindi ko rin siya masagot. Nanngangahulugan nga sigurong hindi ko pa ganap na nakikilala ang aking sarili.
Madami nang mga kaganapan na tunay na mahalaga sa aking buhay. Ngunit kahit anong isip ko, parang wlanag malalim na bagay akong natutunan sa mga 'yon. Kahit anong piga ko sa utak ko, wala pa din talaga akong maisip. At hanggang ngayon, habang tinatayp ko ang entry na ito di ko pa din malaman kung anong sagot sa mga katanungang nilalatag ng Ateneo at ng sarili ko sa akin.
SINO BA AKOO?
Kapag nasagot ko na, PANGAKO. Sasabihin ko sa inyo. Ipapakita ko uli ang aking essay katulad nang sa AJSS. ^^
Labels: G is great, lame-o, life lessons, offlife, perosnal-ititch, school-rama
LEFT AT 5:10 AM
|