Thursday, April 19, 2007
WALANG ISIP
Wala akong maisip na title so wala akong isip. Kaya may naisip ako (okay so may isip pa pala ako). Magsuggest na lang kayo ng title, tapos, pipili ako, Yun ang title. So sana lang magsuggest diba? Kung wala, edi yan na lang.
Mula pagkabata, madami na din akong napagdaanang mga hamon. Hindi hamon na pakain kundi hamon na challenge. At ang pinakamatinding hamon na natikman ko ay ang hamon sa pagiging manunulat ko.
Isa akng trying hard na writer. Oo. Inaamin ko. Kaya kung sakaling 'yan din ang tingin niyo sa akin, feel free to say it to me! Yan din ang tingin ko sa sarili ko. Sa tingin ko naman, 'yun din naman ako.
Simula pagkabata, nagsusulat na ako. Sa dingding, sa papel, sa dyaryo, sa magazine, sa libro, sa balat at sa kung saan-saan pa. Kung anu-ano din ang sinusulat ko. Mga leta, numero, artikulo, essay, tula, kanta, kwento, sagot, tanong at madami pang iba. Pero kakaunti lang sa mga 'yun ang nagbigay ng fullfillment sa akin. Isa dalawa? Basta hindi hihigit sa lima. Bakit? Di naman sila napupuri, di naman sila nabibigyang pansin, di naman sila nabibigyan ng halaga. Eh yun nga ang goal ko eh. Paano ba naman. Lagi silang natatabunan ng gawa ng iba. Lagi na lang, ang galing mo naman (indert name here). Wala man lang bang "ang galing mo naman ALYANNA!"
Minsan na akong nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng pinakamataas na marka sa isang requirement namin sa school, na kinakailangan ng "talent" sa pagsusulat. At nakakatuwa naman dahil ilalagay daw sa school paper ang makakakuha ng pinakmataas na marka sa klase. Tuwang-tuwa na sana ako nung nakuha ko 'yun. Pero sa kasamaang palad nga naman, dalawa kaming nakakuha ng tumataginting na perfect score minus 4 na marka. Dahil ganon, namili na lang 'yung teacher namin sa aming dalawa. Sa totoo lang, hindi na ako nagexpect noon. Dahil alam ko naman at nakikinita ko na, na siya na naman ang mapipili. Napakagaling niya naman kasi diba? Sino ba naman kasi ako para ihambing sa kanya. Isa lang akong uuod at siya'y isang paruparo. Nagpapasalamat din naman ako dahil at least, isa ako sa dalawang nakakuha nung pinakmataas na marka sa amin. Pero nalungkot din ako. Sana din pala, siya na lang yung nag-iisang nakakuha noon. Para hindi ko na naman na feel na isa akong LOSER, talunan. Siguro nga, hindi talaga ako para sa pagsusulat. O pede rin namang sana ako na lang mag-isa.
Isa pang patunay ng pagiging trying hard writer ko eh ang interes ko sa kursong Mass Communication at Organizational Communication. Pero habang tumatagal, nararamdaman kong, parang hindi ako uunlad sa mga kursong ito. Hindi naman ako magaling sa pagsusulat eh. Ano pang makukuha kong garde sa kursong yun? Pero sabi naman nila, kung anong gusto mo, yun ang magandang kunin na course sa college. Eh parang nangangamba ako eh. Baka mapashift lang ako o mapatalsik ng di oras.
Alam niyo bang isa sa mga dahilan kung bakit ko ginawa ang blog na ito ay dahil gusto ko ngang magsulat (o magtype dahil tntype ang mga bagay na nakikita dito). Dito kasi, ako lang. Wala ng iba. Ako lang, wala akong kakumpitensya. Ako lang, kasi nga .. AKIN ITO. Diba?
At alam niyo din bang hindi ako marunong magtapos ng isang akda?
---
hay. grabe. walang kwenta talaga ako. haha. pagpasensyahan niyo na lang yan kung nabasa niyo man. XD
Labels: Broken, life lessons, literary, offlife, perosnal-ititch, school-rama
LEFT AT 8:45 AM
|