Saturday, November 11, 2006
HAPPY BIRTHDAY MIKA
Before anything else, I would like to greet my ever dearest treasured friend MIKA! a HAPPY HAPPY BIRTHDAY . Wee.Mag - Filipino muna ako. Haha. Kasi si Euegene eh. Haha. Bakit daw madami sa mga nagbblog ang nag-English eh mga Pilipino din naman ang magbabasa nito. Hmm.
Ang araw ngang ito ay medyo nakakapagod. Nagpunta kami sa bahay nila
kevin para magshoot. Tapos puntang
SM para mag-gala habang hinihintay na medyo gumabi. 'Yun kasi 'yung kailangan sa scene. Para nga pala sa contest namin sa
Math 'yung shinushoot namin. Hehe. Ang role ko? Isa akong extra! Hench man? Ewan ko kung anong tawag dun basta parang ganyan. Haha. Tapos ayun, sa SM, nagpunta kaming
pizza hut to eat our LATE lunch. After, naggala gala lang kami, then, bumalik din kaila Kevin para magshoot uli. Nung 6:00 na, bumalik uli kaming SM. Ayun, doon na din ako sinundo ni Daddy. Kasi natakot ako magcommute ng gabi. Haha. Nakita namin 'yung ilan sa kabilang group.
Medyo masaya naman ang araw na ito, medio sira nga lang 'yung umpisa. Pero at least, kahit papano, natuwa naman ako. Hehe.
---
Kagabi, nag-uusap kami sa confe ng ilan sa mga kaibigan ko. Bigla ko na lang nasabi na, ang problema natin ay siya ring mga bagay na nagbibigay ligaya sa atin. Kunyari, pinoproblema natin ang love life natin. Diba "siya" din naman 'yung nagbibigay buhay sa atin? Sila din ''yung nagbibigay kulay sa buhay natin. Kunyari mga kaibigan naman ang pinoproblema natin, diba sila nga 'yung nagpapasaya sa atin? 'Yung eskwelahan natin ang problema natin, diba 'yun din 'yung nagbibigay sa atin ng kabuluhan sa buhay na 'to? Kung wala ang school, di natin makikilala ang mga kaibigan natin. Kaya dapat, huwag natin hilingin na mawala na 'yung mga problema natin. Isipin mo nga ang buhay na walang minamahal, kaibigan o eskwela? Dapat, ang hinihiling na lang natin, lakas galing kay God para magkaroon ng strength sa pagharap sa mga problemang binibigay niya sa atin.
Sabi nga ni Paola kanina habang kumakain kami sa Wendy's , " alam niyo, kung wala din 'yang si ***, mamimiss niyo din 'yan". tama nga, wala na kaming aawayin. Lol. Pero sana talaga, dumistansya siya sa amin. Kahit konti. (:
---
Ayun. Wala lang.
Comments please. :)
Wala lang, naisip ko lang.
PICTURES - >
click here
LEFT AT 4:40 AM
|