Friday, August 25, 2006
Palarong Pinoy
Ngayong araw,
Palarong Pinoy lang kami. Naglaro kami ng tatlong larong pang Pilipino talaga. Unang laro ay 'yung
Salimuot. Obstacle Race in English. Dun ako kasali. Nakakaaliw siya. Lahat ng kasali pinagtatawanan. Kasali nga ako eh. Kahit ako, pinagtawanan. Lahat din halos pinagtatawanan kapag dun na sa part ng hurdle. 'Yung gagapang ka sa ilalim and everything. Nakadalawang ulit nga dahil dun eh. Dahil violations lagi. Nabubuhat kasi nung iba 'yung hurdle pagkanasasabit sila. Kamusta naman si ano. Haha.. Eh alam naman nating malaki ako, so ayun .. isa ako sa mga sumabit sa unang laro namin nun. Sa huli, kami ay di rin nanalo.
Third kami. Pero ok lang, kasi may prize pa rin!
Butterfinger at Crunch. Yum. Crunch! Haha.. Susunod namang laro ay 'yung
kadang kadang. 'Yung race na nakaapak ka sa bao tapos mai tali tapos paunahan kayo. Basta 'yun na 'yun. Di na ako kasali dun. Di ako sumali kasi di ako marunong. Pero, talo pa din ang Archaeology. Haha..
Third na naman. Kamusta naman kami? haha.. Sabi ko nga,
BEST THIRD PLACE IN THE WORLD na lang kami. O kaya kung pedeng may prize ung consistent na third place. haha.. Dahil sobra kami sa oras, nagkaroon muna ng konting laro at pagtitipon kaming mga Third Year. Guess what!? Naglaro kami ng
BRING ME ! Haha.. Nanalo ako ng
pamaypay at kitkat. Congrats sa akin.
Fake na ring ung dinala ko. Buti na lang at kupas kupas na 'tong pinakamamahal kong singsing kaya't obvious na fake talaga siya. Hehe.. Sumunod naman, recess na. Wala lang. Hehe.. After recess, nagkaroon uli ng laro.
Sangkayaw naman. Tama ba? Ito na ang shining moment ng Archaeology. Sangkayaw nga pala 'yung mai dos por dos na kahoy tapos may tali tapos sasakay don 'yung limang tao tapos lalakad sila na nakasakay dun sa kahoy tapos paunahan. Basta igets niyo na 'yun. haha.. This time,
FIRST PLACE NA KAMI ! Yehey. Haha.. Load nga pala ang prize ng First Place. Kahit di ako kasama dun, nagkaron pa din ako ng 100php load. Salamat kay
Eugene at nakaline siya. Haha.. Pagakatapos naman nun, may extrang time na naman. Baglaro naman kami ng
who's wearing chuva ekek. Di na ako nanalo. Nahuli ako sa
blue underwear eh. Sayang. Harhar. Nagkaron din pala ng raffle. Pero di ako nabunot. Too bad. Hehe..
Ngayong araw din nga pala na'to, binusabos ako ni
Neil. Haha.. Kamusta naman 'yun. Basta. Kulitan na naman na pisikalan. At may kasamang stolen pics na naman. Congrats sa akin at nakunan ko na din siya sa wakas ng stolen pic na nakakatawa kahit papano. Lagi na lang kasi ako nakukunan niya ng ganun. Buti na lang camera ko 'yun. Nax.
Nga pala, di ako pinayagan sa
Youth Camp. Nakakaasar. Sobra. Inis na inis ako to the point na naiyak talaga ako. Nakakaiyak naman kasi talaga. Ilang taon na akong pinapasama dun. Pinakanakakaiyak ung rason. Hai. Sana naman, sa susunod, payagan na ako. Di lang naman kasi talaga dahil sa may mga friends ako dun eh. Dahil din gusto ko naman makalabas sa mundong ito. Hindi 'yung mga tao lang dito sa bahay at school 'yung nakakasalamuha ko. Basta. May deeper meaning pa. At siyempre, gusto ko mapalapit kay God. Hai. Pagdasal niyo na lang ako.
Nga pala, naka
haloscan na ako. Comment kayo ah. Para masaya. Sige.
LEFT AT 2:42 AM
|